Facebook

Subpoenas inahin sa 7 ospital vs overpriced Remdesivir

NAGHAIN na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena sa pitong ospital dahil sa overpricing na antiviral drug laban sa COVID-19.

Sinabing nagkakahalaga ang Remdesivir sa naturang mga ospital ng P12,000, P15,000 hanggang sa P30,000 bawat vial.

Partikular na rito ang Metro North Medical Center at Diliman Doctors Hospital sa Quezon City; St. Clare’s Medical Center sa Makati, City of Imus Doctors Hospital sa Cavite, Assumption Specialty Hospital at Medical Center sa Antipolo; Allied Care Experts Medical Center sa Pateros; at Manila East Medical Center sa Taytay, Rizal.

Depensa ng mga ospital sa NBI, hindi sila nakatanggap ng kopya ng memoranda mula sa Department of Health (DOH) sa suggested retail price (SRP), batay kay NBI Special Action Unit executive officer Kristine dela Cruz.

The post Subpoenas inahin sa 7 ospital vs overpriced Remdesivir appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Subpoenas inahin sa 7 ospital vs overpriced Remdesivir Subpoenas inahin sa 7 ospital vs overpriced Remdesivir Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.