Facebook

TANING SA MGA TRAPO AT EPALITIKO

NANGANGAMOY halalan na sa bayan ni Juan. Piyesta na naman ang mga TRAPO at EPALITIKO .

Kaya ngayon pa lang ay kanya-kanya na silang pakulo at paepal para makadanggoy na naman ng boto ang mga hangal.

Lumalabas din ang mga imbentor at kuda na naman ang mga sanga-sangandilang nais kumandidato ang mga tonto, estupido at engrato.

Ang mga imbentor ay iyong mga mag-iimbento ng kung anu-anong bintang sa kalaban kahit walang katibayan.

Libreng manira nang walang pananagutan para hilahin at ibagsak ang popular sa pulso ng bayan.

Iyong mga sanga-sangandila ay mga politikong napakahusay maglubid ng kasinungalingan at ekspertong mambola ng mga botante makapuwesto lang sa trono ng kapangyarihan.

Ang mga tonto- estupido ay iyong mga naghahangad na mahalal pero wala namang alam kung ano ang tinatakbong karera sa politika habang ang mga engrato ay iyong mga nanliligaw ng boto pero pag napuwesto ay sarili lang ay bubundatin ang sarili at etsapwera na ang mga taong magluluklok sa kanila sa pedestal.

Panahon na botanteng Juan para gantihan ang mga engratong naipwesto sa kapangyarihan lalo na iyong mga nasa Mataas na Kapulungan. Ang dami nila diyan sa Senado na walang ginawa kundi siraan ang pamahalaan na kanilang kinabibilangan, kontrahin ang mga mabubuting programa para sa pagkalahatan at ipagtanggol ang mga kalaban ng estado sa kanilang buong termino.

Kilala niyo sila kahit di na pangalanan. Sila ang mga salat ng lipunan na nagkamal pa ng kaban ng bayan habang nakapuwesto at abala sa pagdiskaril ng administrasyong higit limang taon nang ibinabagsak pero di magiba-giba.

Kaya sa beinte y beinte-dos, iligtas ang bayan ni Juan sa mga buwitreng ayaw umasenso ang sambayanan, pinapanaliting nagdarahop at maralita ang masa upang sa panahon ng eleksiyon ay muling madedenggoy sa pamimili ng boto para makapuwesto. Never again botanteng Juan…. ABANGAN!

Lowcut: BASKETBALL FOR A CAUSE .Sa napipintong pagluwag ng quarantine protocol ng IATF tungkol sa sports, pwede nang ikasa ang mga palaro sa basketball na paboritong laro ng mga Pilipino mula lungsod hanggang kanayunan.

Suhestiyon ng korner na ito kay civic leader,public servant at sportsman M-24 Maharlika Builders of Guardians founder Doc Chito Collantes M24B1024 ang mapabilang sa future programs ng organization ang Basketball for a cause bukod sa mga feeding programs, kalinga sa mga senior citizens, paglilingkod sa marginalized at needy citizens.

Basketball clinics para sa mga kabataan at palaro na tiyak na klik sa komunidad na layunin naman ng M-24 ang malawakang serbisyo para sa kababayang Pilipino pang-sibiko man at sa larangan ng sports. Iyan ay posible in the near future…SURE!Welcome to the Christian world to a very cute and bouncing child IKEMDINACHUKWA ‘CAYLUS’CHUKWUNWA, son of proud father Hilary Chukunwa from Nigeria and Filipina mother Venus of Upper Bicutan, Taguig City, Philippines. All the best Chukunwa family.MABUHAY!

The post TANING SA MGA TRAPO AT EPALITIKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TANING SA MGA TRAPO AT EPALITIKO TANING SA MGA TRAPO AT EPALITIKO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.