PAPALITAN ng Philippine Olympic Committee (POC) ang male flag-bearer ng bansa sa Opening Ceremonies ng Tokyo Olympics.
Inanunsyo ni POC president Rep.Abraham “Bambol” Tolentino kahapon na ang bagong guidlines ng Tokyo Olympics organizers ay hindi nakakatiyak na ang pole vaulter EJ Obiena ay magdadala ng flag sa opening ceremonies na nakatakda sa July 23.
“Nire-require na ni Tokyo na ang flag bearers, dapat andoon na sila, 48 hours before. So, ang dating ni EJ is 12:30 ng (July) 23,” Paliwanag ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.
Obiena, ang may hawak sa rekord ng pole vault ng bansa, ang dapat sana na magwagayway ng bandila kasama si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabi.
Pero ayon kay Tolentino, walang katiyakan na makakarating siya mula sa airport bago ang opening ceremonies.
“Alam ni CDM (chef-de-mission Nonong Araneta) ‘yun. ‘Yung iba, tumatagal ng five hours sa Tokyo pagdating sa airport, due to whatever reasons,” anya.
“So kung ang dating ni EJ is 23, 12:30 noon, kung na-lock siya sa airport ng sabihin nating four to five hours, so bitin. Ang program ng parade is 8 p.m. So before six, hahakutin na ‘yun from Athletes Village,” Dagdag pa nya.
“Kung makakuha man ng exemption na on the day ang dating niya, parang delikado pa rin. So mahirap ng sumugal. Mahirap na mag-take risk.”
Pinagsabihan na ni Tolentino ang athletics federation na papalitan ang flag-bearers, pero hindi pa sinasabi kung sino ang ipapalit kay Obiena.
“Pinaalam ko na sa athletics na baka nga — not baka, malamang mapalitan ang male flag-bearer natin, si EJ, because of that recent na developments sa Tokyo,” anya.
“By Wednesday or Thursday, I will announce (the new flag-bearer),” Dagdag pa nya.
Sinabi ni Tolentino na tanging ang flag-bearer at anim na sports official lamang ang mag martsa sa Parade of Nations, para mapanateling safe ang ibang Filipino Athletes bago ang kanilang kumpetisyon commence.
The post Obiena papalitan bilang PH flag-bearer appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: