POSITIBO sa Covid-19 ang 28 crews ng isang RoRo na 2GO vessel sa Bauan Bay, Batangas.
Apat sa mga ito’y severe cases at agad na binigyan ng atensyong medikal. Kabilang dito ang chief mate na naka-isolate sa San Juan Doctors Hospital (San Juan), second engineer na naka-isolate sa Golden Gate General Hospital (Batangas City), at 2nd officer na naka-isolate sa Chateau Royale Kalinga Hotel (Nasugbu).
Asumptomatic naman ang 25 iba pa at patuloy ang kanilang quarantine sa barko kungsaan mayroong doktor na tumitingin sa kanila.
Ang RoRo na St. Anthony De Padua (2GO) ay umalis sa Caticlan, Ajlan patungong Batangas sakay ang 82 tripulante.
Isang crew ang nakaranas ng mga sintomas ng Covid-19 kaya minabuti nitong sumailalim sa RT-PCR test kung saan positibo ang kanyang resulta. Dahil dito, sumailalim narin sa pagsusuri ang iba pang crew at lumabas na umabot sa 29 ang positibo sa Covid-19.
Ayon sa PCG, nasa karagatang sakop na ng Batangas nang malaman na positibo sa Covid-19 ang mga ito.
Dumating sa Bauan Bay ang barko nitong August 7 at ito’y naka-angkurahe.
Inatasan narin ng PCG Station Batangas ang shipping company na magbigay ng regular na updates kaugnay sa status ng kanilang crew members.
Nagsasagawa rin ng seaborne patrol ang PCG Station Batangas sa karagatang sakop ng Bauan Bay upang masiguro na walang anumang sasakyang pandagat na makakalapit sa barko at walang tripulante na ma-disembark nang walang wastong koordinasyon. (Jocelyn Domenden/ Jose “Koi” Laura)
The post 28 crew ng RoRo (2GO) positibon sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: