PATAY sa pamamaril ang isang kawani ng Maguindanao Provincial Election Office ng Commission on Elections (Comelec) habang sugatan ang isang habal-habal driver sa Purok Balabaran, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Pagadas Ganta, 43 anyos, residente ng Purok Balabaran, Rosary Heights 10 kungsaan nangyari ang insidente.
Sugatan naman si Akmad Guimad, 16, tricycle driver, nang tamaan ng ligaw na bala at agad naisugod sa hospital ng nagrespondeng barangay officials at mga pulis.
Sa ulat, 8:30 ng umaga nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin gamit ang M-16 automatic rifle si Ganta habang naglalaro ng chess sa isang kubo na pahingahan sa bahagi ng Bgy. Rosary Heights 10.
Ayon kay Police Capt. Rustom Pastolero, hepe ng Cotabato City Police Precinct 2, posibleng may kinalaman sa trabaho ni Ganta ang pagkakapaslang sa kanya.
The post COMELEC EMPLOYEE TINODAS HABANG NAGLALARO NG CHESS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: