ARESTADO ang isang barangay tanod nang barilin nito ang isang lalaki na may diperensya sa pag-iisip sa Tayuman, Tondo nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Eduardo Geñorga, 59 anyos, residente ng 144-B Mata Street ,Tondo.
Naaresto naman sa follow up operation ang salarin na si Cesar Panlaqui, 55, may-asawa, barangay tanod ng Bgy.158 Tondo, at residente ng 1941 Int.,10 Dagupan Ext..
Sa report ng MPD-Station 7, nangyari ang pamamaril 9:30 ng gabi sa kahabaan ng Tayuman at Visayas St.
Nauna rito, binabaybay nina Patrolman John Calagos, nakatalaga sa CIDG Quezon City, kasama si Patrolman Denmark Noche sakay ng motorsiklo nang pagsapit nila sa bahagi ng Tayuman kanto ng Dagupan Extension ay nakarinig sila ng putok ng baril na agad nilang hinanap ang pinanggalingan ng putok.
Natagpuan ng mga pulis sa may Visayas St. ang biktima na nakahandusay at duguan dahil sa tama ng bala sa katawan. Agad nilang ipinagbigay alam ang insidente sa Bgy.158 at Tayuman PCP para sa imbestigasyon.
Sa pahayag sa pulisya ng kapatid ng biktima na si Albert Geñorga, empleyado ng MMDA, sinabi nito na may iniindang mental illness ang kanyang kapatid.
Natukoy naman ang salarin kaya agad itong naaresto nitong Linggo ng madaling araw sa kanyang bahay kungsaan narekober ang hindi pa batid na kalibre ng baril na walang serial number at may limang bala.
Hindi nabanggit sa ulat ang dahilan ng pamamaril ng tanod sa biktima.(Jocelyn Domenden)
The post May ‘sayad’ pinatay ng barangay tanod sa Tondo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: