SA pagpapatupad ng programang agrarian reform tiniyak ng opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) na walang magsasakang mapapaalis sa kanyang lupang sinasaka habang ipinapatupad ang programang Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT) para sa agrarian reform program ng pamahalaan.
Kasunod nito iminungkahi ng opisyal ng DAR ang pagpapalakas ng produksyon ng agrikultura sa bansa na farm consolidation sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga magsasaka sa bukurin para sa pagsusulong ng epektibong rural development strategies.
Sinabi ni DAR Undersecretary for Foreign Assisted and Special Projects Bernie Cruz sa isinagawang webinar kamakailan na inorganisa ng state think tank na Philippine Institute for Development Studies (PIDS) iminungkahi nito na mas mapapaunlad ang agrikultura sa kabukiran sa pamamagitan ng farm consolidation.
Ayon sa paliwanag ni Usec. Cruz ang benipisyo at hamon para sa parcelization para sa pagsali sa agrarian reform beneficiary organization (ARBOs) upang mapaunlad ng mga magsasaka ang kanilang mga sinasakang lupa.
Kaugnay nito tinukoy ng opisyal na sa konsolidasyon ng lupang agraryo para sa commercial production mas papapaunlad nito ang mga bukurin.
Nauna rito magugunitang ang DAR ay ipinatupad ang World Bank-funded project na tinawag na Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT) na layuning na mabigyan ang mga magsasakang benipisaryo na kinapapalooban sa ilalim ng CCLOA (Collective Certificates of Land Ownership Award) upang matukoy at makilala ang may-ari ng kani kanilang pagmamay-aring lupa.
Ang Department of Agrarian Reform (DAR) ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipatupad ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga walang lupang magsasaka at isulong ang programa ng pamahalaan na agrarian reform program.(Boy Celario)
The post ‘Walang magsasakang mapapaalis sa lupang sinasaka’ – DAR appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: