HINDI ba kayo nakahahalata na napaglalaruan na ng mga self-proclaimed health experts ang sambayanan kaugnay ng wala na yatang katapusang kahibangan at kapraningan sa ipinantakot na corona virus disease na pinaputok noong 2019 kaya bininyagang Covid-19?
Magdadalawang taon nang pinamumuhay ang tao sa takot, hirap,diri sa kapwa, sikil sa kalayaang huminga ng sariwang hangin at gumalaw sa mundong likha ng MAYKAPAL. Di mawari ng korner na ito kung bakit nasadlak tayo sa ganitong kalagayang natakot sa itinimo ng mga health experts (daw) na kalabang hindi nakikita kung saan ang dating normal na buhay natin ay malaya sa mga aspetong pantao na naaayon sa batas.
Sa iglap ay lumaganap sa buong daigdig ang inimbento ng mga diyablo sa da-WHO na pinalala ng mainstream media na naging eksaherado sa pagpakalat ng balita na tampok ay ang pasigaw nilang ibino-brodkas ang mga nag-positibo pero pabulong lang sa mga nakakarekober at katiting na porsiyento ng nasasawi.
Ang itinimo sa isip ng mga tao ay deadly ang covid at ang bilis ng hawahan kayawala pang gamot pero halos lahat naman ay gumaling. Pero ang bangungot na nararanasan ng mundo ay unti-unting ginising ang mga tao sa ibang bansa sa kanilang marubdob na sistema ng paglaban ng PLAN’DEMYA. Malapit na silang mamuhay muli ng normal pero dito sa bayan ni Juan ay patuloy na natataranta at masyadong OW-EY ang mga kinauukulan na kung wawariin ay ayaw pa nilang matapos ang krisis. Sa panig ng pamahalaan, wala silang paglagyan dahil kapag di sila kumilos kontra pandemya ay sa kanila ang bagsak ng sisi sa paglala umano ang krisis pero kapag umaksiyon naman sila ng mabilisan ay banat ng mga kritiko na pinagkakakitaan umano ang pandemya tulad ng pagbili ng masks, PPE’s at ang bakuna habang OA naman ang mga nag-iimplementa ng health protocol kung saan ay nalulumpo ang kabuhayan ng tao sa sobrang higpit nang pagpapatupad. Ito naman ang gusto ng oposisyon, ang manatiling malaki ang bilang ng mga nagpositibo daw para mayroon silang pambira sa gobyerno sa layong sila naman ang mapuwesto para pumalit sa mga sinasabi nilang nagkamal ng bilyones dahil sa krisis. Ang mga nasa hanay naman ng( biased) media ay palaging excited sa pagbabalita at tunay na hini-headline ang mga isinubong bilang ng mga nagpo-positibo sa araw-araw upang manatiling mamuhay sa takot ang mga nakakatunghay sa impormasyon at datos mula sa mga health experts daw. Kung tunay na deadly ang corona virus na kalaunan ay bininyagang variant para bago sa pandinig, bakit walang nadadale o casualty sa mga taga- IATF na ang nasa isip ay puro lockdown at sa mga ‘taning’ na taga-oposisyon, pati sa mga taga-laganap ng takot at kapraningan na nagsisipag-yaman naman kahit sa panahon katastropiya? Takot ba sa kanila ang VIRUS kaya sila nililihisan at ang kaya lang dapuan ng covid ay karaniwang mamamayan? Kelan matatapos ang kahibangan dito sa bayang watak kaya tayo nasasadlak at pinamuhay sa takot ng halos dalawang taong dusa. Sa mga nagpalaganap ng lagim sa tao dahil sa kalabang di daw nakikita… matakot kayo sa tunay na di nakikita pero pinaka- makapangyarihan sa lahat- ang PANGINOONG LUMIKHA!Gutom at pangamba ang tunay na pandemya.
Lowcut: Noong araw lalo sa panahong kabataan pa lang natin, kapag nagpapalit ang klima lalo na pag papasok ang amihan, halos lahat ay sinisipon, inuubo, tinatrangkaso. Nanlalamig sa init ng lagnat at walang panlasa, kaya tayo ay pinahihigop ng mainit na sabaw na maasim para pagpawisan.May oldskul pa si lolo na nagpapahamog ng de-boteng orange sa bubong para pagka-inom ay gagaling kaagad ang apektado ng pagbabago ng klima. ABANGAN!!!
The post LARO NG MGA HEALTH EXPERTS KUNO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: