Facebook

SULU WORKERS INAYUDAHAN NI BONG GO

Bahagi sa pagmamalasakit na matulungan ang mga worker na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ay naglunsad ng relief operation sa Parang at Omar, Sulu mula nitong September 6 hanggang 8.

Sa video message ay pinaalalahanan ni Go ang lahat na sundin ang ipinaiiral na health requirements para sa kaligtasan ng kanilang komunidad. Tiniyak nito na ang Duterte administration ay magsiseguro na walang mamamayan ang maiiwan tungo sa pagbangon.

“Nabalitaan ko na kadalasan nagaganap ang transmission dahil nagpapalitan ng pera at mga goods. Alam ng gobyerno na kailangan niyo magbenta kaya ginagawa nito ang lahat upang i-balanse ang kalusugan at pangangailangan niyong magtrabaho,” paniniyak ni Go.

“Pakiusap, gamitin niyo ang mask at face shield na ipinadala ko, mag-hugas ng kamay at mag-social distancing. Magpalakas din kayo ng resistensya para malabanan ninyo ang mga sakit at patuloy niyong maalagaan ang inyong mga pamilya,” dagdag pa nito.

Ang mga tauhan ni Go ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks at face shields sa may kabuuang 7,000 beneficiaries sa Parang Poblacion covered court at sa Omar municipal gymnasium. Ang mga workers ay pinaggo-grupo na binubuo ng mga vendors, fisherfolk, laborers at members ng local Tricycle Operators and Drivers Association.

Piling mga benepisaryo naman ang nabigyan ng mga bisekleta para magamit sa kanilang pagbibiyahe, na ang iba naman ay tumanggap ng new pairs of shoes. Ang ibang workers ay computer tablets naman para sa mga nag-aaral nilang mga anak.

Bahagi sa pagsusumikap ng gobyerno na malunasan ang epekto ng pandemic, ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob ng financial assistance sa magkakahiwalay na pamamahagi. Ang Department of Health ay nagsagawa rin ng free medical check-ups at namigay ng mga karagdagang masks.

Samantala, ang Department of Agriculture ay tutulong naman sa mga naapektuhang fisherfolk at laborers kapag matapos na ang kanilang assessments.

“Assalam mualaikum, Kuya Bong Go! Salamat sa tablet at malaking tulong ito sa aking pamilya. Maraming salamat din sa ayudang pinadala mo,” pahayag ni Rosmalyn Akmad, na residente ng Omar.

Bilang Chair of the Senate Committee on Health, si Go ay nag-alok ng tulong para sa medical concerns. Pinayuhan nito na magtungo sa Malasakit Centers sa Sulu Provincial Hospital at Sulu Sanitarium, na nagbukas nitong September 3 sa Jolo.

Ang Malasakit Center ay ang kinaroroonan ng mga ahensiyang DOH, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office na mahihingan ng tulong ng mga pasyente.

Ang programa ay nabuo sa ilalim ng Republic Act No. 11463 na pangunahing inakdaan at inisponsoran ni Go.

“Ang Malasakit Center ay para sa mga poor at indigent patient na humihingi ng tulong. Isa itong one-stop shop sa loob ng ospital para hindi niyo na kailangan lumabas at pumila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, lalo na delikado ang panahon ngayon dahil sa pandemya,” paliwanag ni Go.

Pinapurihan din ni Go ang iba’t ibang.mga opisyal na puspusan ang pagta-trabaho sa panahon ng krisis. Ang mga ito ay sina 1st District Representative Samier Tan; Kusug Tausug Party List Rep. Shernee Tan; Governor Abdusakur M. Tan; Vice Governor Abdusakur A. Tan II; Parang Mayor Alkhadar Loong at Vice Mayor Madzhar Loong; at Omar Mayor Abdulbaki Ajibon; Vice Mayor Habib Pantasan.

Bilang Vice Chair of the Senate Finance Committee, sinuportahan ni Go ang mga inisyatibong magpapaunlad sa.probinsiya. Sinuportahan nito ang  construction ng intensive care unit complex sa Sulu Provincial Hospital, rehabilitation ng Jolo Mainland Water District, gayundin ang construction or improvement of roads, seawalls at multi-purpose buildings sa iba:t ibang lugar sa Sulu.

Nitong September 4 at 5, ang grupo ni Go ay nagsagawa ng relief activities sa libong benepisaryo na binubuo ng market vendors at TODA members, sa Maimbung. Lahat ng aktibidad  ay isinagawa alinsunod sa ipinaiiral na health and safety protocols laban sa COVID-19.

The post SULU WORKERS INAYUDAHAN NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SULU WORKERS INAYUDAHAN NI BONG GO SULU WORKERS INAYUDAHAN NI BONG GO Reviewed by misfitgympal on Setyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.