Facebook

Aatras si Pacquiao?; at Lopez vs Lacuna sa Manila

PAGKATAPOS magwakwakan, nagkita at na-usap sina Pangulong Rody Duterte at Senador Manny Pacquiao. Ano pa nga ba ang pag-uusapan nila? Siempre ang mag-kampihan sa Halalan ‘22.

Bagama’t hindi ibinunyag ang mga detalye ng kanilang pinag-usapan, sinasabing hinihiling ni Pangulong Digong kay Pacquiao na suportahan nalang ang kandidatura ng kanyang anak na si Sara Duterte-Carpio.

Hindi pa malinaw kung ano ang target ni Sara, ang Bise o Presidente, matapos itong magwidro ng kanyang kandidatura sa reelection bilang mayor ng Davao City.

Si Pacquiao ay kandidato sa pagka-pangulo. Pero dahil sa napag-iiwanan o kulelat na ito sa mga survey, hindi malayong umatras nalang ito at mag-reelect ng Senador at suportahan nalang si Sara. Puwede!

Balita rin kasing aatras ang running mate ni Pacquiao na si Buhay Partylist Lito Atienza para kumandidato nalang na mayor sa Maynila.

Pag umatras si Pacquiao sa presidential derby, maso-solid ni Sara ang Mindanao kung Presidente o Bise ang tatakbuhin nito. Mismo!

Pero may isang problema pa pala. Kung Bise ang takbo ni Sara as running mate ni Bongbong Marcos, paano si Senador Bong Go na ayaw naman paatrasin ni Pangulong Digong sa pagtakbong Bise nito? Ang gulo!!!

Anyway, malalaman natin hanggang Lunes, Nob. 15, deadline ng substitution process, ang final answer dito sa magulong kandidatura ng mga sakop ni Duterte.

Abangan!

***

Magiging mahigpit ang labanan para sa mayor sa Lungsod ng Maynila.

Ito’y matapos na iendorso ni presidential aspirant Bongbong Marcos si Atty. Alex Lopez, anak ni great late Manila mayor Mel Lopez at utol ni Manila 1st District Congressman Manny.

Si Atty. Lopez ay tatakbo via substitution.

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Atty. Alex, mister ito ng may-ari ng Lyceum University of the Philippines at Bayleaf Hotel sa Intramuros Manila. Isa siyang kontraktor at may-ari ng malaking kompanya na gumagawa ng semento sa bansa. Napakabait at napaka-humble ng mamang ito, tulad ng kanyang yumaong ama na si Mayor Mel.

Sa pagtakbo ni Atty. Lopez, makakatapat niya si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, anak ni ex-Vice Mayor Danny Lacuna.

Ang dalawa pang kandidatong mayor sa lungsod ay sina Cristy Lim, anak ni yumaong Mayor Alfredo Lim; at dating Manila Police retired General Elmer Jamias, ang tinaguriang “Barako” ng Maynila.

Sa apat na ito, tingin ko ay sina Lopez at Lacuna ang magbabakbakan ng husto.

Maaring ma-solid ni Atty. Lopez ang Tondo 1 at 2, ang may pinakamaraming botante sa Maynila; habang kay Lacuna naman ang District 6.

Sabi, marami sa mga taga-City Hall partikular health workers ng 6 hospitals sa lungsod ang ayaw kay Lacuna-Pangan. Mahirap daw kasi ispilingin at “matindi” ang mister nito na si “Dr. Poks” at utol na si Dennis sa Zoning.

Pero tiyak ‘di pababayaan ni presidentiable Mayor Isko Moreno si Honey. Kaso busy rin si Kois sa kanyang kandidatura. Mas mabigat ang kanyang laban kontra Bongbong Marcos, Leni Robredo at Ping Lacson.

Subaybayan!

The post Aatras si Pacquiao?; at Lopez vs Lacuna sa Manila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Aatras si Pacquiao?; at Lopez vs Lacuna sa Manila Aatras si Pacquiao?; at Lopez vs Lacuna sa Manila Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.