
MULING nadagdagan ang listahan ng malalaking personalidad na hayagang sumusuporta sa kandidatura ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at sa pagkakataong ito ay anak naman ni dating yumaong Manila Mayor Mel Lopez, Jr., ang nangakong pangungunahan ang lungsod upang magtagumpay ang kandidatura ni BBM.
Nitong nakalipas na Miyerkules ay personal na nanumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si Atty. Alex Lopez.
Si Atty. Lopez ang opisyal na kandidato ng PFP sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila. Ka-tandem niya ang aktor na si Raymond Bagatsing na mula sa naman sa Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Pormal niyang ihahain ang kanyang Certificate of Candidacy ngayong Biyernes bilang kapalit ni mayoralty candidate Calvin Punzalan.
Ayon kay Atty. Lopez, magtatagumpay ang kandidatura nila ni Marcos dahil itotodo niya ang pagtulong upang makuha ang mayorya ng mahigit isang milyong botante sa lungsod.
“Dahil nakikita ko ang Pilipinas ay panahon na para ibalik natin ang sigla at vision ng pag-asenso. Ang pag-ahon ng Pilipinas ay na kay Bongbong,” ani Lopez na isa ring educator at matagumpay na negosyante ngayon.
Unang tumulong si Lopez kay Marcos noong kumandidato ang huli bilang bise presidente noong 2016 national elections.
Ang ama ni Atty. Lopez ay isa sa pangunahing kritiko ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ngunit tinapos nito ang namagitang di pagkakaunawaan sa kanilang mga magulang dahil ang panibagong henerasyon ng mga Marcos at Lopez ay binigkis ng layunin na ibangon sa pagkakalugmok ang bansa.
Ang asawa ni Lopez na si Sara Laurel, treasurer ng Lyceum of the Philippines, ay anak naman ni dating Vice-President Salvador ‘Doy’ Laurel na kabilang sa oposisyon noong dekada 70 at 80.
“This is to bury the ghost of the past for progress and reconciliation,” ani Lopez.
The post LOPEZ NG MAYNILA TODO NA KAY BBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: