
ARESTADO ang isang 18-anyos na lalaki nang makunan ng malaking halaga ng shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, Miyerkoles ng gabi.
Sa ulat kay Brigadier General Orlando Yebra, Eastern Police Distict (EPD) Director, kinilala ang nadakip na si Kokey Kasim, residente ng MCHAI Compound, Esguerra St., Barangay Pinagbuhatan.
Nakuha sa posisyon ng binatilyo ang 8 plastic sachets ng shabu na may bigat na 65 grams at nagkakahalaga ng P444, 000.00.
Nakapiit ang batang tulak sa EPD.(Edwin Moreno)
The post 18-anyos bigime tulak, huli sa P.4m shabu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
18-anyos bigime tulak, huli sa P.4m shabu
Reviewed by misfitgympal
on
Nobyembre 11, 2021
Rating:
Walang komento: