
Gumaca, Quezon- Patay ang isang ina nang pagsasaksakin ng kanyang sariling anak na kalalabas lamang ng drug rehabilitation center nitong Miyerkules sa Barangay Maunlad dito.
Kinilala ang salarin na si Jowell Panaglima, 34 anyos; habang ang biktima ay ang kanyang ina na si Evelyn, 60, isang barangay health worker at parehong residente ng naturang barangay.
Sa ulat ni Police Chief Master Sargeant Reynan Luminario, sinabi sa kanya ni Jowell na pinagsasaksak niya ang kanyang ina dahil sa paulit-ulit nitong pakiusap sa kanya na balikan ang kaniyang misis simula nang siya ay lumabas sa drug rehabilitation center.
Nagdilim raw ang kanyang isip, kumuha ng kitchen knife at sinaksak ng maraming beses sa dibdib ang ina.
Dead on arrival sa San Diego Hospital ang biktima.
Pansamantalang nakakulong sa Gumaca custodial facility ang salarin na nahaharap sa kasong Parracide. (Koi Laura)
The post Adik na anak kinatay ang ina sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: