Facebook

Dati Region IV-A, ngayon Region IV-B naman

PARA tunay na makita ang bunga ng kanyang pagsusumikap na matulungan ang kanyang mga kababayan, minabuti ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya na mismo ang bumisita upang tiyakin na ang mga programa at mga proyektong kanyang ipinag-uutos na makarating sa malalayong lugar ay talaga bang naipapatupad o mapapakinabangan ng sambayanan.

Kung noon ay sa REGION IV-A ang Pangulo ay nagpunta, ngayon naman, at noong nakaraang linggo lamang binisita na rin ni Pangulong Duterte ang Region IV-B o ang MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Region.

Binisita ni Pangulong Duterte ang MIMAROPA para pangasiwaan ang mga pamana ng kanyang administrasyon tungo sa kapayapaan at kaunlaran sa lugar, at bilang chairman na rin ng kanyang itinatag na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sinalubong at sinamahan ang Pangulo ng iba’t-ibang mga local executive ng rehiyon kabilang sina Palawan Governor Jose Chavez Alvarez at Puerto Princess Mayor Lucilo Bayron. Naroon din ang ilan sa kanyang gabinete at iba pang matataas na opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang senior officers ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, at iba pang opisyal ng NTF-ELCAC at miyembro ng Regional Task Force-ELCAC. Kasama rin ang ilang mambabatas at mga benepisyaryo ng Barangay Development Program (BDP) na kinatwan naman ng kani-kanilang mga kapitan ng barangay.

Naikot naman ng Pangulo ang rehiyon at nakita na tumatakbo nang maayos ang paglalapat ng BDP, kung saan ang mga napiling barangay ay binibigyan ng P20 milyong pisong pondo para gamitin sa pagtatayo ng karagdagang gusaling pampaaralan, patubig sa mga sakahan at komunidad at farm-to-market road, kasama na ang pangkalusugang pangangailangan ng kada barangay.

Inu-unang latagan ng BDP ang mga barangay na nalinis na sa pamemeste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Ito ay para di lamang maka-ahon ang mga residente ng mga nasabing barangay kung di maka-pamuhay na muli ng normal ang mga residente doon at di na lumuhod sa mga pesteng CPP-NPA-NDF.

Ang sabi nga ni National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairman na si Secretary Hermogenes Esperon Jr., bilang dating mayor, alam ni Pangulong Duterte kung paano patakbuhin ang lokal na pamahalaan. At bilang taga-sulong ng kapayapaan at kaunlaran para sa lahat ng LGUs, itinutulak ng Pangulo ang lahat ng mga programang makapagtataas ng antas ng kabuhayan ng kanyang mga kababayan. Ito ay para na rin wakasan ang problema sa insureksyon at pamemeste ng mga CPP-NPA-NDF sa mga kanayunan.

Naiulat tuloy ni Sec. Esperon na kung kapayapaan sa rehiyon ang pag-uusapan, maipagmamalaki niyang napahina na ng mga tropa ng pamahalaan ang dalawang guerilla front ng mga komunistang-teorirsta sa rehiyon at isa pa na talagang nalansag naman at naitaboy na. Ika nga nalinis na sa mga pesteng CPP-NPA-NDF ang mga barangay sa MIMAROPA kaya naman nalatagan na rin ng BDP, na idinaan naman sa mga local executives ng rehiyon upang talagang manggaling sa mga residente kung ano ang gusto nilang unahin na paggagamitan ng P20 milyong pisong pondo na bigay ng ng Pangulo bilang BDP.

Siguro naman gets niyo na ang talagang kahulugan ng BDP sa kwentuhan nating ito. Malayong-malayo di ba sa mga sinasabi ng mga kontra sa BDP.

The post Dati Region IV-A, ngayon Region IV-B naman appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dati Region IV-A, ngayon Region IV-B naman Dati Region IV-A, ngayon Region IV-B naman Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.