Facebook

Banggaan sa pagka-kongresista sa 5th district ng Maynila, close fight!

SABI ng mga Manilenio kung baga sa Sabong ay hindi masabi kung sino ang Dehado at Lyamado sa laban kaya isa sa pinakaka-abangan ng mga Manilenyo sa nalalapit na pambansang halalan sa susunod na taon ay ang banggaan ng dalawang nakaukit na ang pangalan sa larangan ng pulitika sa ika-limang distrito ng Lungsod ng Maynila.

Nagpahayag na kasi ng kahandaan si dating Buhay Partylist representative Irwin Tieng na kasalukuyang nasa ikalawang termino bilang konsehal sa naturang distrito na banggain ang nakaupong kinatawan sa Kongreso na si Rep. Cristal Bagatsing. Hindi maikakaila na alamat na rin kung maituturing ang apelyidong Bagatsing sa larangan ng pulitika lalu na’t matagal na naglingkod bilang alkalde ng Maynila ang yumaong Ramon Bagatsing na ama ng malaking angkan na sinundan pa ng kanyang mga anak.

Pero sa ipinakitang serbisyo sa kanyang panunungkulan bilang Konsehal ni Tieng, malamang na malaki ang tsansa niyang masilat ang isang Bagatsing, sa katauhan ni Rep. Cristal lalu na’t maagang naglatag ng kanyang mga plataporma ang una.

Kabilang kasi sa mga inilatag na plataporma ni Tieng ang pagpapalakas ng walong health care centers sa District 5 sa pamamagitan ng paggamit ng pondo mula sa kongreso. Gugugulan aniya sa makukuha niyang pondo sa Kongreso ang pagbili ng karagdagang ambulansiya, karagdagang mga doktor, gamot, mga makina tulad ng X-Ray, blood test, ultra sound at mga kagamitan sa pagpapa-anak upang hindi na magsiksikan ang mga pasyente sa Ospital ng Maynila na nasa ika-lima ring distrito ng lungsod.

Aba, kung tutuparin pala ni Tieng ang kanyang plataporma sa oras na manalo, hindi na kailangan pang lumayo ang mga may karamdaman na gustong magpa check-up dahil sa health center na malapit lang sa kanila ay puwede na dahil may mga doktor at kagamitan na tulad sa OsMa. Sabi ni Tieng, bukod sa kalusugan ay tututukan din niya ang Edukasyon at hanap-buhay upang mabilis na makahanap ng trabaho ang mga mamamayan ng distrito singko.

Isusulong kasi niya na maibaba sa bawat barangay sa District 5 ang Technical Education and Skills Development o TESDA para hindi tamarin ang mga taong gustong matuto ng kasanayan sa iba’t-ibang trabaho na katanggap-tanggap, hindi lang sa lokal na industriya kundi sa ibang bansa.

Naging bantog na kasi sa simula pa lamang ng pagseserbisyo sa publiko ang “Tatak Irwin Tieng” sa ika-limang distrito ng lungsod kung saan hindi na kailangan lumapit para humingi ng tulong ang mamamayan dahil kusa na nila itong matatanggap.

Sa pagtaya ng Commission on Election, ikalawa ang District 5 sa Lungsod ng Maynila sa may pinakamaraming residente at mga rehistradong botante na nasa mahigit 200,000 na magmumula sa 184 barangay.

Si Tieng ay kasapi ng lokal na partido na “Asenso Manilenyo” kung saan kasama niya dito ang anim na konsehal na tatakbo sa darating na eleksyon na sina Mon Yupangco, Laris Borromeo, Ricky Boy Isip, Jaybee Hizon, Nikko Atienza at Charrie Ortega habang ang kanilang magiging Mayor at Vice Mayor ay sina VM Honey Lacuna at 3rd District Congressman Yul Servo.

Nais namang manawagan ng mga Ka Usapang HAUZ sa mga buboto sa darating na halalan sa Mayo 2022 partikular sa distrito Singko ng Lungsod ng Maynila sa pagka kongresista na pagisipang maige at ilagay sa puso ang pagpili at hindi iyong bulong ng kung sino sino.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036

The post Banggaan sa pagka-kongresista sa 5th district ng Maynila, close fight! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Banggaan sa pagka-kongresista sa 5th district ng Maynila, close fight! Banggaan sa pagka-kongresista sa 5th district ng Maynila, close fight! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.