
SA pangunguna nina SOCIAL HOUSING FINANCE CORPORATION (SHFC) PRESIDENT ATTY. ARNOLFO CABLING at DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) SECRETARY EDUARDO DEL ROSARIO ay pinasinayaan kamakalawa (November 10) ang inilaang presentableng pabahay para sa mahihirap na sektor ng MALABON CITY at QUEZON CITY, na mahigit 300 pamilyang dating naninirahan sa mga peligrong lugar ang nagbenepisyo.
Unang pinasinayaan ay ang 4 gusaling pabahay na may tig-3 palapag sa ROSAL ST., BRGY. LONGOS, MALABON CITY na 22 metro-kuwadradong espasyo ang mauukupahan ng maninirahan para sa kabuuang 282 pamilyang nagbenepisyo.
Dinaluhan ito ng MALABON CITY GOVERNMENT OFFICIALS para matulungan sa pagpapanimula ang mga pami-pamilyang ookupa sa nasabing panibagong gusaling pabahay sa kanilang lungsod.
Ang naturang pabahay ay pinondohan ng P126,899,999.58 na ang pagmamantini ngayon sa naturang presentableng pabahay ay ang mga opisyales ng MAHARLIKA VILLAGE HOMEOWNERS ASSOCIATION INC
Matapos ang naturang okasyon ay agad na tinungo ng koponan ng DSHUD at ng SHFC ang lugar ng BETHSAIDA ST., BRGY. SAN AGUSTIN, NOVALICHES, QC at pinasinayaan ang 4-palapag na gusaling pabahay na may sukat na 24 metro-kuwadradong espasyo na mauukupahan ng bawat pamilya para sa kabuuang 92 benepisaryong pamilya.
Sumaksi sa naturang seremonya ang QC GOVERNMENT OFFICIALS na tutuwang din sa pagpapanimula ng mga pami-pamilyang ookupa sa panibagong pabahay ng kanilang lungsod na ginugulan ng SFHC at DSHUD sa halagang P41,100,000.., na ang pagmamantini ngayon ay pangangasiwaan na ng mga opisyales ng SAMAHANG MAGKAKAPITBAJAY NA NAGKAKAISA HOMEOWNERS ASSOCIATION INC.
Bukod sa naturang presentableng pabahay ng QC ay pinamunuan naman ni QC MAYOR JOY BELMONTE ang inagurasyon at groundbreaking sa ilang HOUSING PROJECT na inisyatiba ng kanilang CITY GOVERNMENT.
Kabilang dito ang 3-storey SOCIALIZED HOUSING PROJECT at ang 12-storey HOUSING PROJECT sa BRGY. BALINGASA.
Nakasama ni MAYOR BELMONTE sa naturang okasyon sina QC HOUSING AND COMMUNITY DEVELOPMENT AND RESETTLEMENT DEPARTMENT CHIEF RAMON ASPRER, CHAIRMAN TERESA MONTALBO, COUNCILOR TJ CALALAY, dating QC VAX TO NORMAL CO-CHAIRMAN JOSEPH JUICO at dating COUN. OLLIE BELMONTE.
“Sana maipamana ninyo ang bahay sa inyong mga anak, dahil sa future malaki na ang value ng mga property ninyo, na nabili niyo sa murang halaga. Iyan ang commitment natin sa mga taga-lungsod Quezon, abot-kayang pabahay. Para sa akin, dapat lahat mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng disente at murang pabahay at manirahan dito mismo sa QC,” pahayag ni MAYOR BELMONTE.
Ang Socialized Housing Project No. 32 ay tinatayang 363 families ang magbebenepisyo at sa ngayon ay hinahangad ng naturang.Lungsod ang “KATIYAKAN SA PANINIRAHAN” para sa 17,000 indigent families.
“Our vision in the city government is to provide quality service to our constituents and to decentralize these services to increase efficiency and reduce inconvenience. Makakaasa po ang mga QCitizens na sa pamamagitan ng mga action offices natin, mapapabilis ang pagtanggap nila ng mga essential services,” pagpapahayag ni MAYOR BELMONTE.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Presentableng pabahay sa mahihirap! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: