
KINATUTUWAAN ngayon sa social media ang isang groom na nakatanggap ng regalong toyo at isang tsekeng naglalaman ng isang milyong piso mula sa kaniyang bride.
Sa social media, ibinahagi ng official photographer ng kasalan na si Kevin Marquez ang ilan sa mga kuha niyang litrato sa naging reaksyon ng groom na si Ver Joseph Farenas nang matanggap niya ang katuwaang regalo sa kaniya ng bride niyang si Eufra Ednalino-Farenas.
Ang twist sa regalong tseke na may lamang isang milyon, maaari lamang mapa-encash ito sa taon 2071 o taon ng kanilang 50th wedding anniversary!
Kwento naman ni Eufra, niregaluhan niya ito ng toyo dahil gusto niyang iparating sa kaniyang mister na sana ay matanggap nito ang ‘toyo’ o mood swings niya paminsan-minsan.
Ang tseke naman na may P1m na puwede lamang mapa-encash sa 2071, sumisimbolo naman sa mensahe niya na nais niyang makarating sila sa 50th wedding anniversary nila.
Puno ng saya ang kaniyang mister nang makita nito ang kaniyang ‘munting’ regalo at nang malaman nito at rason kung bakit ito ang kaniyang ibinigay.
The post Groom nakatanggap ng regalong toyo at tsekeng P1m mula sa bride appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: