Facebook

Isko ipapahiram ang vaccinating teams ng Maynila sa mga probinsyang nahuhuli sa pagbabakuna

HANDANG ipahiram ni Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno ang kahusayan at mga vaccinating teams ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga probinsya nahuhuli sa pagbabakuna ng kinakailangang target na dami ng tao.

Naisip ito ni Moreno, kasabay ng muli niyang pagsalungat sa paggamit ng goggles bilang kapalit ng faceshields. Sinabi ng alkalde na dapat ang pagtuunan ng pansin ngayon ng Department of Health (DOH) ay kung paano mapapabilis ang vaccination sa mga lalawigan.

“Let us go to the provinces. We in the city government of Manila, for one, are willing to help with the needed medical frontliners in the provinces that would require them” sabi ng alkalde.

Ayon kay Moreno halos lahat ng siyudad sa Metro Manila ay naabot na ang tinatawag na safe average pagdating sa bilang ng mga residenteng nabakunahan.

Dahil dito, ang mga siyudad na ito ay maaaring tumulong sa mga probinsya na nangangailangan ng extra manpower, para mapabilis ang pagbabakuna sa kanilang populasyon.

Sinabi pa ng alkalde na kailangang pagtuunan din ng pansin ang mga taong ayaw na magpabakuna at hikayatin itong magpabakuna sa pamamagitan ng paglalahad ng kabutihang nagagawa ng bakuna.

Sa kaso ng Maynila, ito ay mayroong sapat na bakuna kung kaya sinasaliksik ang lahat ng mga baranggay upang hanapin ang mga hindi pa nababakunahan para maturukan na ang mga ito sa pamamagitan ng vaccinating teams sa superbisyon ni Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan.

Samantala ay sinabi ni Moreno na nagulat siya sa ginagawa ng ilang health authorities na itinutulak ang goggles bilang kapalit ng faceshields, kahit pa 17 alkalde sa Metro Manila ang nagkaisa at sumangayon sa pagpapatigil ng paggamit ng faceshields.

“Naghahanap na naman sila ng gastusin sa tao. We cannot ask the people to continue spending on something that is not viable, feasible or helpful,” sabi ni Moreno said na idinagdag din na dapat naiintindihan ng mga opisyal sa health department ang kalagayan ng kabuhayan ng ordinaryong tao.

“Hirap na hirap na ang mga tao. Mas mahal pa ang goggles.Do they have an idea of what they are doing? Show us a scientific study. Pag ginamit ng ibang bansa, sige, because I don’t think we are better than them,” sabi ni Moreno na tumatakbo rin sa pagka-Pangulp sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party. (ANDI GARCIA)

The post Isko ipapahiram ang vaccinating teams ng Maynila sa mga probinsyang nahuhuli sa pagbabakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko ipapahiram ang vaccinating teams ng Maynila sa mga probinsyang nahuhuli sa pagbabakuna Isko ipapahiram ang vaccinating teams ng Maynila sa mga probinsyang nahuhuli sa pagbabakuna Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.