Facebook

Karapatan ng Pinoy sa West Philippine Sea, ipaglalaban ni Isko

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno at Aksyon Demokratiko stand bearer na patuloy nitong ipaglalaban kung ano ang atin karapatan pagdating sa usapin ng West Philippine Sea.

Ayon kay Moreno, patuloy aniyang igigiit ang Hague Ruling pero maging fearless at maging fair sa mga diskusyon, pamamahala at sitwasyon ng bawat panig.

“Ipaglalaban natin ng buong katapangan bilang Pilipino at bansa ang ating soberanya,” ani Moreno.

“We will be fearless in fighting for what is ours. We will insist the Hague Ruling. But at the same time as being fearless, we are going to be fair with our discussion and management of the situation on both sides,” pahayag ni Moreno.

“We will be faithful to our farmers and fisherfolks. Ang mga mangingisda, dapat makapangisda sa loob ng ating teritoryo sa dagat. At iyon ang magaganap: undeterred, peaceful, and productive fishing opportunities under our rules,” dagdag pa nito.

Giit pa ni Moreno, dapat ang mga mangingisda ay nakapangisda sa loob ng ating teritoryo sa dagat.

Kailangan din aniyang magkaroon ng payapa na fishing activity sa ilalim ng patakaran ng Pilipinas .

“I will reinforce our Navy and Coast Guard. We will invest more on the western side of the country, so that we can protect our sovereignty and territorial jurisdiction as recognized by (the) UN and all other nations,”

“Ang maganda sa eastern board, wala naman tayong kapitbahay. Sa western board, from Tawi-Tawi to Batanes (meron). That’s how we’re going to do it,” pahayag pa ni Moreno sa kanyang Listening Tour sa Barangay Danakbunga Botolan Zambales.

Bukod dito, plano rin ng alkalde na palakasin ang Mutual Defense Treaty and Visiting Forces Agreement ng bansa sa United States.

Pagdating naman sa US bases, sinabi ng alkalde na pag-aaralan pa dahil kailangan aniya ngayon ay archipelagic protection dahil tayo ay nasa archipelagic country.(Joceyn Domenden)

The post Karapatan ng Pinoy sa West Philippine Sea, ipaglalaban ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Karapatan ng Pinoy sa West Philippine Sea, ipaglalaban ni Isko Karapatan ng Pinoy sa West Philippine Sea, ipaglalaban ni Isko Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.