
NAHULI sa akto ng isang mister ang kanyang misis at kalaguyo nitong pulis sa isang hotel sa Lucena City nitong Oktubre 5.
Sa ulat, 2:30 ng hapon ong Biyernes nang mabulaga ng mister ang magkalaguyo sa isang hotel sa Barangay Bocohan.
Ayon sa mister, nalaman niya na nasa hotel ang kanyang misis sa pamamagitan ng global positioning system (GPS) kaya nagpasaklolo ito sa mga pulis.
Pagdating sa kwarto, naka-tuwalya lamang ang pulis habang nakahubad pa ang babae.
Inaresto at sinampahan ng reklamong ‘adultery’ ang babae.
Samantalang nagawa naman makatakas ng pulis na nakatalaga sa Quezon Provincial Police Health Service Unit.
The post Misis at kabit na pulis huli ni mister nagtatalik appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Misis at kabit na pulis huli ni mister nagtatalik
Reviewed by misfitgympal
on
Nobyembre 08, 2021
Rating:
Walang komento: