
Ni WALLY PERALTA
FEELING honored at proud si Alden Richards sa narating ng seryeng pinaghirapan niya nang husto, ang “The World Between Us” nila nina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, dahil sa nagte-trending ito sa Amazon Freevee at naging number 2 sa most watched serye ng naturang streaming platform ilang araw matapos itong ipalabas. Una nang ipinalabas sa Netflix ang serye na ito ni Alden. Kasagsagan kasi ng pandemya at lahat halos ng kilos ng mga actors and staff ng TWBU ay limitado kaya doble dusa ang buong team para matapos lang ang programa. Kaya nang nag-trending ito sa Amazon Freevee ay ganun na lang ang kasiyahan ni Alden.
“Parang ngayon nagha-harvest ng fruit iyong ‘The World Between Us’. Ito iyong dream ko for the soap kasi sobrang pinaghirapan siya ng lahat. Lahat ng bumubuo ng ‘The World Between Us,’ binuhos iyong lahat nila dito,” say ni Alden.
At mas lalong naging proud si Alden sa natapos niyang serye dahil sa nalaman niyang mismong ang taga-Amazon Freevee ang lumapit sa management para sa pagpapalabas ng TWBU.
“Nakakatuwa kasi based on what I heard, ‘yung team ng Amazon Freevee ang lumapit sa GMA to get the title. Ang isa pang nakakatuwa, this is the first Filipino title to be shown sa Amazon Freevee. Sobrang honored and proud lahat, the whole team,” dagdag pang say ng Asia’s Multimedia Star.
***
DAHIL sa parehong game sa daring scene sina Rose Van Ginkel at Marco Gallo na kapwa bida sa “Kitty K7” na mapapanood na simula sa July 8 sa Vivamax, all out ang dalawa sa kanilang bed scenes.
At dahil mas matured sa edad si Rose kaysa kay Marco ay lumabas na ito pa ang nagturo sa binata sa gagawin nilang daring scenes, at may instant pang ‘napa-aray’ ang young hunk actor sa ginawa nilang sexual position.
“Ang pag-aray ni Marco ay sa love scene, siguro ang nakakatawang ginawa namin. Si Marco kasi matangkad s’ya and ako medyo maliit. So, meron kaming ginawang ‘Asian position’ daw sabi ni Direk.
‘Yong legs n’ya nakaganu’n, nakaluhod and doon ako nakapatong, which is nandu’n sa trailer, na sobrang sakit na sakit si Marco to the point na sinabi n’ya na, ‘Direk, ang sakit!’ Gumaganu’n s’ya,” kuwento ni Rose.
Na-appreciate raw ni Rose ang mga effort na ginawa ng kanyang leading man during their sexy scene shoots considering na first time magpaka-daring nang husto sa pelikula nito.
“First time kasi ni Marco na mag-love scene so masaya ako kasi pumayag s’ya na gawin ’yong first time n’ya sa akin. Sobrang na-touch naman ako,” saad ni Rose.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East-UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia: Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore.
The post Alden proud na napiling ipalabas ng Amazon Freevee ang serye na kasama si Jasmine appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: