Facebook

Gaya ni BBM…Andrew E. wala pang inendorsong kandidato na natalo

Ni ARCHIE LIAO

NAIBIDA ni Andrew E ang kanyang mga karanasan kay Toni Gonzaga sa online show na “Toni Talks” bago pa man siya namayagpag noon bilang hinahangaang Pinoy rap icon at komedyante sa bansa.
Aniya, madrama raw ang kanyang buhay at kung tutuusin ay dumaan talaga siya sa butas ng karayom para makamit ang inaasam na kasikatan.
Katunayan, ang dami daw niyang rejections dahil tanggap naman niya na hindi naman siya iyong tipong looks ang panlaban sa pagbabaka-sakali sa showbiz kundi ang talent sa pagkanta.
Kumbaga, pumatok daw siya sa masa dahil sa novelty ng kanyang songs.
Naibahagi rin niya na para maka-penetrate sa showbiz, nag-audition daw siya sa “That’s Entertainment” noon na nakasabay pa niya ang alumna ng show na si Donita Rose.
Tinanong daw siya noon ng yumaong Master Showman na si German Moreno kung marunong siyang kumanta o sumayaw pero negative ang kanyang naging sagot.
Pero, inihirit daw naman niyang puwede siyang mag-rap pero dahil bago pa raw noon ang ganitong genre ay hindi raw ito na-appreciate ni Kuya Germs kaya ang ending ay na-reject siya.
Nawindang lang daw siya na ang kapanabayan niya noon na si Donita ay agad na natanggap kahit wala itong talent sa pagkanta o pagsayaw.
Nang ikinuwento raw niya ito sa aktres, natatawa na lamang daw ito at naalala siya bilang ang lalaking ‘maitim’ na katabi raw niya noon.
Dumating din daw siya noon sa puntong gusto na niyang mag-give up sa showbiz dahil feeling niya ay hindi na darating ang kanyang break.
Katunayan, there came a time na desidido na siyang sunugin ang kanyang mga komposisyon hanggang sa dumating ang offer ng Ventures ni RJ Jacinto na bilhin ang kanyang mga kanta.
Isa pang malaking setback sa kanya ay nang mabintangan siya ng plagiarism ng kanyang obrang “Humanap ka ng Panget.”
To top it all, nagpatatag daw sa kanya ang kanyang mga naging kabiguan at lagi niyang sinasabi sa mga taong dumaranas ng pareho niyang pagsubok na anuman ang inaakusa sa iyo na di napapatunayan, mas lalo ka pang magniningning.
Sa naturang panayam, nabanggit din ni Toni sa master rapper ang tungkol sa sinabi sa kanya ng kapatid na si Alex tungkol sa track record nito sa pag-eendorso ng mga ikinakampanyang kandidato.
Aminado naman si Andrew na wala pa siyang kinampanyang natalo tulad ni BBM.
Hirit pa niya, mataas daw ang batting average niya pagdating sa public approval ng kanyang mga ini-endorso base sa karanasan.

The post Gaya ni BBM…Andrew E. wala pang inendorsong kandidato na natalo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gaya ni BBM…Andrew E. wala pang inendorsong kandidato na natalo Gaya ni BBM…Andrew E. wala pang inendorsong kandidato na natalo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.