Facebook

Liza sobrang labs ang Dos, di keri magtrabaho sa ibang network

Ni ROMMEL PLACENTE

BALITA namin ay mawawala na sa ere ang Mars Pa More hosted by Camille Prats, Iya Villana and Kim Atienza.
Hindi dahil sa  mababang rating ang dahilan. In fairness sa nasabing family-oriented show ng GMA 7, ay panalo naman ito sa rating. Marami ang nanonood nito. Ang dahilan ay matagal na rin naman ito sa ere kaya nag-decide ang Kapuso network na ibang show naman ang ihain sa mga manonood tuwing umaga.
At ang ipapalit nga rito ay isang game show na ang magiging hosts ay tatlo. Ito’y sina Rabiya Mateo, Pokwang at si Kuya Kim.
O, di ba, mawala man ang  Mars Pa More ay may kapalit namang show na ibibigay ang Syete kay Kuya Kim? Ganoon kalaki kasi ang tiwala nila rito, when it comes to hosting.
Hindi nagkamali si Kuya Kim sa naging desisyon niya na lumipat sa Siyete dahil alagang-alaga nito ang kanyang career.
Regular pa ring napapanood si Kuya Kim sa 24 Oras ng GMA 7 at Dapat Alam Mo sa GTV.
***
SA interview ni Liza Soberano sa Pep.ph, kinumpirma niya na tapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN, Star Cinema, at sa Star Magic. Kaya walang naging problema kung lumipat siya sa ibang management.
Ang Star Cinema ang film company ng ABS-CBN, habang ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.
Pero kahit wala nang kontrata sa Kapamilya network, gusto pa rin niyang dito magtrabaho.
Sabi ni Liza,”My contract with ABS-CBN actually ended in 2019 so I had no contract with them, but I still work closely with ABS.
“As you can see, I haven’t worked with any other network until now. With Star Magic, my contract ended June of 2021.
“I’ve always been a fan of ABS-CBN before I started working with them. They kinda brought in the Filipino culture in me because of TFC [The Filipino Channel] and everything.
“I don’t know if I have it in my heart to work with other stations. I’m sorry, it’s just I Iove ABS-CBN so much,” aniya pa.
Kinumpirma rin ni Liza na may offer na bagong proyekto ang ABS-CBN para sa kanya at sa boyfriend at ka-loveteam na si Enrique Gil.
“There has been a project offered to us by ABS-CBN, Star Cinema, and Star Creatives.
“In fact, we have a meeting this week with them. But it’s really a matter of, like, whether the project is something that is right in the direction that we’re going towards or something that excites us.”
Nakakatuwa namang malaman na kahit wala na sa ABS-CBN si Liza ay bibigyan pa rin siya nito ng proyekto, di ba?

The post Liza sobrang labs ang Dos, di keri magtrabaho sa ibang network appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Liza sobrang labs ang Dos, di keri magtrabaho sa ibang network Liza sobrang labs ang Dos, di keri magtrabaho sa ibang network Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.