
Bago tayo magsimula mga Ka Usapang HAUZ nais muna nating batiin ng Congrats sa pagkapanalo nitong nagdaang Eleksiyon ng tila estudyante pang si Atty. Margarita “Migs” Nograles bilang PBA Party-List Representative sa Mababang Kapulungan.
Marami-rami rin namang napag-usapan kung ano ang mga pangunahing batas ang kanyang prayoridad na ihahain sa kongreso matapos ang isang masarap na tanghalian at kuwentuhan sa mga mamamahayag kahit sa sandaling oras lang.
Sa tutuo lang mga Ka Usapang Hauz ang nagpagising sa aking atensiyon ay ang pagsabi ni Cong. Atty. Migs Nograles, isa sa kanyang prayoridad ay ang pag-amyenda sa Violence Against Women and Children VAWC at benepisyo ng nga Atletang Pinoy, alam nyo po ba kung bakit?
Eto po ang paliwanag, ayon kay Rep. Migs Nograles, sa kanyang pagiging abogado, maraming lalaki na gustong magreklamo subalit wala silang mas madaling paraan at sa gagawing pag-amyenda sa VAWS Law, gagawing domestic abuse para lahat ng gender ay kasama na lahat.
Lumilitaw na sa kasalukuyang implementasyon ng violence against women and children, nawawalan ng pagkakataon o tila nawawalan rin ng karapatan ang mga kalalakihan na biktima ng kalupitan mula sa Mapang-Aping Kababaihan.
Kaya matapos ang pagpapaliwanag mga Ka Usapang HAUZ ng Lady Solon hindi maiwasang magkabiruan na sakaling ma-amyendahan ito ay baka magkaroon na ng samahan ang mga kalalakihan na tatawaging Pambansang Ugnayan ng mga Kalalakihang Inaapi sila po yung mga tinaguriang Sanzuwi, Yukusa, Sayonachi sa madaling salita Andres de Saya hahahahaha.
May pahabol pa ang PBA Party-List Rep Atty. Migs mga Ka Usapang HAUZ, isusulong din nito ang .panukalang magkakaloob ng grassroots support sa mga atleta tulad ng SSS, Philhealth at iba pang benipisyo.
Dagdag pa ng lady solon na karamihan umano sa mga atleta ay nasa grassroots level ay walang basic support na tila ang nilalaman lamang umano ng batas ay incentives based kapag nanalo.
Bago pa magtapos at magpaalam ng rookie congresswoman Migs ay nais nitong magpasalamat sa mga tumulong sa kanya nitong mga nagdaang halalan kabilang na ang mga nagtiwala at bumoto sa PBA Party-List at makaaasa ang taong bayan ng tapat, malinis at mabilis na paglilingkod.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036
The post Boses ng kalalakihan naman sa mapang-aping kababaihan isusulong Rep. Nograles! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: