Facebook

Anak ni Yorme na si Joaquin, isa nang batang ama; Kean suwapang, inangkin ang name ng banda

Ni BETH GELENA

LUMALALA ang hidwaan ng Callalilly band.
Feeling na magdyowa kung magsagutan sa social media account.
May post ang vocalist singer na si Kean Cipriano na umano’y sagot daw niya sa post ng CL bandmate na si Lem Belaro.
Ani Kean: “Don’t waste your time with explanations. People would only hear what they want to hear. “
May kumakampi kay Kean pero mas marami ang hindi.
Anila: “I’m with Kean on this. Pansin nyo wala syang kakampi it seems like pinagkakaisahan sya.”
“Yes pansin ko din wala sya kakampi. Lahat pati mga sikat na personalities on side nung mga ka bandmates nya. Parang asawa lang nya kakampi nya at mga empleyado. Kawawang Kean. Why kaya?”
“Kung magsosolo sya, umalis na lang sana sya. Hindi yung sya lang may ayaw eh disband na at inangkin pa name? Di naman sya composer at writer ng songs, at di lang sya nag-isip ng name. Tapos gusto nila under his label yung CL sabi ni Chynna Ortaleza? Ano para for life may cut sila?”
May nagtatanong naman na baka gipit lang daw ang mag-asawa.”
“Wow Kean and Chynna, magandang format ng business yan. Gipit? Lol.”
“Akala ko mga jowang nagbe- break lang ay may pa ganito. Pati pala mga rakista lol”
“Of course. Kasi may karapatan silang pinaglalaban. Mas may sense pa nga to kesa sa breakups.”
“Sorry pero parang ang greedy naman nya sa part na pati name ayaw ipagamit”
“Kahit anong haba ng explanation mo it does not justify what you did. Sinamsam mo CL trademark without telling your bandmates, then nung feel mo na umalis ng band imbes na ipaubaya na lang sa kanila yung pangalan para quits kayo e sinubukan mo pa siguro sila i-extort at nung ayaw nila kumagat e tinangay mo na lang yung name. In other words, you used legal means to stab your bandmates in the back. Swapang ka lang.”
“On point. Sobrang ganid nilang mag-asawa. May pa-progressive growth emz pang nalalaman. Nako nako ang mga mapanglamang na tao ay hindi pinagpapala.”
“Kahit noon pa na binata yang si Kean, ehh, npaka-angas na nyan. Akala mo nman kung cnong gwapo, sussss.” Yun na!
***
PINANGALANAN na sa Showbiz Now Na, ang programa nina Nay Cristy Fermin, Romel Chika at Orly Molino ang blind item na lumabas kailan lang.
Ayon kay Morly ay reliable source ang nagtsika sa.kanya kung sino ang guy na nasa BI.
Ang nasabing guy ay ang anak umano ng aktor-pUlitiko na si Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.
Naloka pa ang mga host dahil ang bina-blind item daw na girl ay nakapanganak na pala.
Katunayan, magdadalawang buwan na raw ang baby ngayong June 28.
Masaya naman daw si Yorme dahil unang apo niya ang anak ni Joaquin at isinunod pa raw ang name ng baby kay Isko na Scott or Iskat.
Sabi naman ni Nay Cristy yun daw nga ang tawag nila kay Isko nung nag-uumpisa pa lang sa pag-aartista si Yorme.
Proud naman daw si Joaquin sa kanyang anak kung saan isinunod niya ang family name ng baby sa kanya.
Ang mother daw ng baby ay si Rafa Castro, isang TikToker na anak umano ni Diego Castro na dati ring aktor.
“Mas bata si Bugoy Carino he’s 16 going 17 nang mag-kababy sila ng volleyball player. Si Joaquin 20 na yata.”

The post Anak ni Yorme na si Joaquin, isa nang batang ama; Kean suwapang, inangkin ang name ng banda appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anak ni Yorme na si Joaquin, isa nang batang ama; Kean suwapang, inangkin ang name ng banda Anak ni Yorme na si Joaquin, isa nang batang ama; Kean suwapang, inangkin ang name ng banda Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.