Facebook

Bukod kay Diego…Cesar at mga anak kay Sunshine, nagkaayos na rin

Ni JOVI LLOZA

HUMINGI ng apology ang Cornerstone na humahawak sa singing career ng singer-composer na si Moira Dela Torre.
Dahil ito sa iniindang nararamdaman niya sa kanyang katawan.
Mismong ang handler ni Moira ay nag-alala nung tawagan nito ang Kapamilya singer.
Garalgal ang boses nito kaya kinansela ng Cornerstone na huwag na paatenin si Moira.
Nakaramdam daw ang singer ng ubo at body pain. Kaya minabuti na ipa-check up agad ito para malaman at maagapan ang sakit.
Magpapa RT-PCR ang mahusay na singer kaysa magpa-swab test. Huwag naman daw sana Covid ayon sa kampo ni Moira.
Isa sana si Moira sa mga magpe-perform sa Kaliguan featival.
Excited pa naman na makita ng mga utaw sa personal si Moira.
***
PROUD si Cesar Montano sa kanyang post sa socmed account na larawan.
Finally ay okey at nagkaayos na si Cesar at mga anak kay Sunshine Cruz na sina Angelina, Sam at Chesca at kasama rin sa naka-bonding nito ang anak nila ni Teresa Loyzaga na si Diego.
Special nga raw ang bonding ni Cesar at mga anak at kulang pa nga raw sila dahil ang isang anak ay nasa Bohol at may commitment.
Wala naman ginawa ang mga anak ni Cesar kundi magkuwentuhan.
Ngayong okey na si Cesar at mga anak, dumalas kaya ang kanilang pagba-bonding? Noon ay di pa ito okey sa mga anak kaya babawi for sure si Buboy.
Well, well, well…’Yun na!

The post Bukod kay Diego…Cesar at mga anak kay Sunshine, nagkaayos na rin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bukod kay Diego…Cesar at mga anak kay Sunshine, nagkaayos na rin Bukod kay Diego…Cesar at mga anak kay Sunshine, nagkaayos na rin Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.