Facebook

After election…Jinkee at Manny, nag-honeymoon sa Switzerland

Ni ARCHIE LIAO

MATAPOS ang kanilang hectic schedule sa pangangampanya noon, bumabawi naman ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao for their lost time.
Ito ay kahit hindi pinalad na manalo ang Pambansang Kamao sa kanyang presidential bid noong nakaraang eleksyon.
After their family trip sa Japan, gora naman sila sa Switzerland.
Tulad ng ibang celebrities, matagal na nilang bet puntahan ang nasabing lugar na pamilyar sa K-drama fans.
Sa naturang European country kasi kinunan ang popular 2019 series na “Crash Landing On You” na pinagbidahan nina Hyun Bin at Son Ye-Jin na kasal na ngayon.
Pinuntahan ng mag-asawa ang iconic pier na lugar na pinagtagpo ang mga karakter nina Yoon Se-Ri (Son) at Captain Ri (Hyun ) na nagpapatugtog ng piano by the lake ang huli bilang estudyante.
Marami naman ang nag-travel down memory lane habang ginugunita ang nostalgic scene ng popular Korean celebrity couple.
Hirit tuloy ng ilan, feel na feel nina Jinkee at Pacman ang pagiging Son Ye-Jin at Hyun Bin.
Kulang na lang daw ay pati OOTD ng mga bida ng CLOY ay gayahin ng celebrity couple.
May mga malilikot naman ang imahinasyong nagsabing nag-honeymoon daw ang dalawa at naging perfect getaway sa kanila ang Switzerland.
Speaking of Jinkee, nag-emote naman lately ang misis ng Pambansang Kamao nang sinabi nito na nami-miss na niya ang kanyang anak na si Jimuel.
Nasa Tate kasi ang anak dahil masigasig itong sundan ang yapak ng kanyang ama na maging professional boxer.
Kamakailan lang ay nanalo ito sa second amateur boxing match niya sa Mexican boxer na si Jonathan Barajas sa California.

The post After election…Jinkee at Manny, nag-honeymoon sa Switzerland appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
After election…Jinkee at Manny, nag-honeymoon sa Switzerland After election…Jinkee at Manny, nag-honeymoon sa Switzerland Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.