Facebook

Barbie inamin, kape ang pampalakas; Ken binati ang ex-kalabtim na si Rita sa pagbubuntis

Ni WALLY PERALTA

KARAMIHAN sa mga kasamahan ni Rita Daniela sa Sunday noontime variety show ng Kapuso Network na ‘All Out Sunday’ ay nagulat sa ini-anunsiyo ni Rita sa naturang programa sa kanilang ‘Queendom’ episode, na buntis siya. Wala man sinabi si Rita kung sino ang ama ng kanyang dinadala tila sigurado naman ang mga kasamahan nina Rita at Ken Chan, na hindi ang huli ang ama dahil sa pagpasok palang ng taon 2022 ay pinaghiwalay na ng GMA7 ang labtim ng dalawa.
Dinaan na lang ni Ken ang kanyang malugod na pagbati sa pagdadalang tao ng dating kapartner sa sariling socmed.
“You’ve always been incredible and strong, and certainly, you. You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always.
“I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on.
“I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby.
“As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what,” say ni Ken.
***
KIKAY at masayahin as in bubbly si Barbie Forteza pag humarap na sa mga tao at kahit pa sa set ng kanyang trabaho bilang artista at host. Inamin ni Barbie na ang ‘pampalakas’ o nagbibigay ng energy sa kanya sa harap ng tao at work ay ang pag-inom niya ng kape bago pa man simulan ang kanyang daily routine of work.
“Ako personally, hindi ko kayang humarap sa tao ng walang kape, kumbaga naglo-loading ako,” pag-amin ni Barbie.
Kaya hindi na kataka-taka nang pasukin na rin ni Barbie ang mundo ng pagba-blog ay ‘Coffee Talk with Barbie Forteza’ ang naging title. Bonggacious ang first guest ni Barbie sa kanyang kauna-unahang episode, si Bea Alonzo na inamin din ni Barbie na isa sa tinitingala niyang artista.
“I’m happy na super happy kayo sa amin bilang isang Kapuso. Isa kayo sa tinitingala ko sa Philippine Cinema,” say rin ni Barbie.
Naging isang malaking impluwensiya kay Barbie ang boypren na si Jak Roberto para gumawa na rin ng sariling blogsite. Kung matatandaan nitong pandemya ay lie low ang project ni Jak sa showbiz at nag-focus siya sa pagiging isang vlogger na karay-karay si Barbie.
Ginawa nina Jak at Barbie ang pagba-blog together para magsilbing bonding nilang dalawa noong kasagsagan ng pandemya.

The post Barbie inamin, kape ang pampalakas; Ken binati ang ex-kalabtim na si Rita sa pagbubuntis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Barbie inamin, kape ang pampalakas; Ken binati ang ex-kalabtim na si Rita sa pagbubuntis Barbie inamin, kape ang pampalakas; Ken binati ang ex-kalabtim na si Rita sa pagbubuntis Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.