
Ni JOVI LLOZA
SA latest vlog ng actress na si Barbie Imperial ay nagpa- house tour ito at sumentro ang pa-tour sa kanyang kuwarto.
Ibinahagi nito ang mga bagay na napaka- importante sa kanya at iki-keep pa rin niya.
Sa tabi naman ng bed nito ay kinuha ang isang stuffed toy.
Fave niya raw na stuffed toy yung bigay ng kanyang ex-bf na si Diego Loyzaga.
Sa tabi pa ng bed ay may isang box din na puno ng love letters at notes.
Sa pag-amin ni Barbie na ang lahat ng love letters at notes na nasa box ay galing pa rin kay Diego.
Hindi naman daw niya maitapon o masunog ang mga love letters at notes sa box dahil nagsisilbi nga raw itong souvenirs.
Wala naman daw masamang tinapay para sa kanila ni Diego.
***
All Out Sunday family, nagulat sa pagbubuntis ni Rita Daniela
MISMONG sa bibig ni Rita Daniela nagmula na siya ay buntis sa programa nila sa All Out Sunday.
Umiyak pa si Rita habang umaamin na siya ay preggy.
Humanap lang nga raw ng timing si Rita at aamin din ito da kanyang pagdadalang tao.
At this is the right time na nga ng pag-amin ni Rita at wala naman daw itong plano na ilihim.
Kaysa nga naman maging pulutan pa siya ng mga Maritess. Kahit nga sa kanyang IG account ay nag-post ito ng kanyang baby bump at sonogram na siya nga ay soon to be mother na.
Nagulat naman si Julie Ann sa pagbubuntis ng bff pero sa kabila noon ay nagbigay ito ng moral support sa kaibigan.
At kahit ano nga raw ang mangyari ay nandiyan lang ang All Out Sunday at nakasuporta.
Wala naman binanggit kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Rita pero ayon sa sitsit ay non-showbiz ito.
Well, well, well…’Yun na!
The post Barbie ‘di itinapon o sinunog ang mga love letters na galing sa ex-dyowang si Diego appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: