Dennis sinagot ng anak kay Marjorie sa ‘di pagbati nung Father’s Day; Rita tikom sa ama ng pinagbubuntis

Ni GERRY OCAMPO
KINUMPIRMA ni Rita Daniela na siya ay buntis at ito ay inihayag niya sa Queendom segment ng All-Out Sunday.
Umiiyak niyang ipinagsigawan sa buong mundo na magiging nanay na siya at wala naman daw siya balak na itago ito.
“I am so, so happy and proud to say that I`m soon to be a mother. Happy Mother`s Day to me.
“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just…naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” umiiyak na say ni Rita.
“Thank you so much All Out Sundays family and of course, GMA Network for supporting me and for loving me,” patuloy pa niya.
Akalain mo ‘yun di ba, nagsimula ako dito sa GMA? I was just 10 years old and now, soon I will have a ten years old also and dito na talaga ako.
“Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network,” say pa ni Rita.
Ngayon nasabi na niya ito sa publiko ay maisusuot na raw niya ang mga damit na gusto niyang suotin.
“Masaya, I am supper happy and proud. At least I can wear na the dress that I want to wear at hindi na kailangan, you know. I`m so happy, ang sarap sabihin,” say ni Rita.
Isa sa mga bumati at nagbigay ng suporta kay Rita ay si Julie Anne San Jose at nagpahayag na nandiyan lang siya kapag kailangan niya ng anumang tulong.
“Rita, alam mo actually, nagulat kaming lahat, Talaga ba? We`re so, so very, very happy for you and we`re very, very proud of you.
“We all know that you`re going to be a great mother and palagi lang kaming nandito para sa`yo.
“Kung may kailangan ka, nandito lang kami and, of course. Gusto lang namin na maging masaya ka so we support you. We support your happiness and your baby,” say ni Julie Anne kay Rita.
Ipinost na rin ni Rita sa kanyang Instagram account ang larawan na hindi na maikakaila na siya ay buntis at ang resulta ng sonogram.
“My child. You came just in time. You are God`s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME, true. I shall do anything and everything that`s best for you, Always.
“Nanay will always make sure you have a heart for people and joy in the Lord.
“I can`t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” say ni Rita para sa kanyang magiging anak.
Pero ang hinihintay at siguradong inaabangan din ng mga kasamahan ni Rita sa All Out Sunday ay kung sino ang ama ng kanyang pinagbubuntis.
Sa buong tapang niyang pagtatapat na siya ay buntis ay nagmistulang pipi naman siya para ibulgar kung sino ang nakabuntis sa kanya.
Isa kasi sa pumapasok sa isipan ng mga Marites ay ang former niyang ka-loveteam diumano ang ama.
Anyway sigurado na magbibigay din ng kanyang suporta ang dati niyang ka-loveteam kapag nakarating na rito ang kalagayan ng Kapuso actress.
***
Toni kakanta ng National Anthem sa June 30,
inalmahan
Nagalit ang mga hindi pabor na si Toni Gonzaga ang kakanta ng Nationak Anthem sa gaganaping Inagurasyon ni President elect Bongbong Marcos sa June 30. Sabi ng isang nag-comment, “Wala bang disenteng tao na pwede kumanta? National anthem yan hindi basta-bastang kanta.”
May mga sumang-ayon naman na si Toni ang kakanta ng National Anthem sa inagurasyon na magaganap sa National Museum. Ni-request na si Toni ang kakanta ng National Anthem sa Palace evening reception pagkatapos ng inagurasyon na inalmahan din ng mga ayaw sa kanya.
Anyway, kahit na anong bash pa ang ibato kay Toni at maging sa kanyang husband na si Direk Paul Soriano ay dinededma na lang ng mag-asawa.
Ang importante sa mag-asawa ay walang makapipigil o puwedeng magdikta sa kanila kung sino ang gusto nilang suportahan para maging Pangulo ng ating bansa.
Dapat nang mag-move on ang mga basher ng mag-asawang Toni at direk Paul. Wala rin mangyayari sa kasusumbat dahil dedma at wala silang pakialam sa mga paninira sa kanila.
***
NAG-emote si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account na hindi siya binati ng mga anak niya kay Marjorie Barretto noong Father‘s Day. Nag-post naman si Leon Barretto ng open letter sa kanyang Instagram account para sa kanilang ama.
Nag-sorry si Leon na hindi nila nabati si Dennis noong Father‘s Day dahil hindi nila alam kung saan ilalagay ang kanilang sarili every year.
“I`ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dad`s a Happy Father`s Day.”
Sa sampung taon ay nahihirapan daw silang ayusin ang tulay na nag-uugnay sa kanilang mag-aama na patuloy raw sinisira ng kanilang ama sa tuwing nagpo-post daw ito sa social media.
“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?
“Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page!
“Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?
“It`s not that we don`t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing and using hurfful words that traumatize us.
Pakiusap pa ni Leon sa kanyang ama. “ I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, papa. Can you please stop rssorting to public shaming when things don`t go your way?
“I long for the day when i can greet you a Happy Father`s Day and know that it comes from a place of gratitude and healing.”
Wala pang sagot si Dennis sa ginawang open letter ng kanyang anak na si Leon.
The post Dennis sinagot ng anak kay Marjorie sa ‘di pagbati nung Father’s Day; Rita tikom sa ama ng pinagbubuntis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: