Facebook

Isko nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

NAGPAALAM na si MANILA Mayor Isko Moreno nitong Lunes ng umaga sa opisyal at empleyado ng City Hall sabay ng kanyang panawagan na suportahan ang administration ni Mayor-Elect Honey Lacuna at ni President Bongbong Marcos, Jr.

“Maraming salamat at tinulungan nyo ko na maglingkod nang maayos upang maging mapanatag at maayos ang Maynila. Marami pang hamon. Kung ano ang dedikasyong ibinigay nyo sa akin para sa mga bagay na tinahak natin sa loob ng tatlong taon, buong-kababang loob akong nakikisuyo na gawin nyo din sa pamumuno ni Honey bilang mayor,” pahayag ni Moreno sa last flag-raising ceremony na kanyang dinaluhan. Ang kanyang termino ay magtatapos ng June 30, kung saan hahalili si Lacuna bilang bagong mayor.

Idinagdag ni Moreno: “I believe that Honey also loves each and everyone of you kaya pumanatag kayo, kayang-kaya niyang gampanan ang pagiging mayor. I beleive in her, the people believe in her and we must help and support our incoming mayor.”

Nanawagan din si Moreno sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng City Hall na suportahan ang national government sa kahit na anong paraan upang ito ay magtagumpay.

“Tumulong din kayo sa national government. We must not pray for government to fail. ‘Wag nating ipanalanging bumagsak dahil tayo din ang mahihrapan,” sabi ng alkalde.

Ipinangako din ni Moreno sa mga Manileño na patuloy siya naririyan lamang para sa kanila bilang pribadong mamamayan.

“Sa mga itinulong nyo at pagtitiwala, maraming salamat. We must go on and continue.. itaguyod natin ang Maynila at ang mga Batang Maynila,” sabi ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post Isko nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall Isko nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.