
Ni ROMMEL GONZALES
LAHAT yata ng celebrities ay may bashers? Paano ito naha-handle ni First Lady star Sanya Lopez?
Ano ang pinakamasakit na bashing ang naranasan ni Sanya at paano niya iyon sinagot?
“Lagi ko na lang pong iniisip na part po talaga ng buhay ng isang artista ang bashing. You cannot please everybody.”
Hindi ba siya nakaranas ng anxiety o depression sa panahon ng pandemya? Kung oo, paano niya ito nalampasan?
Ano ang payo ni Sanya sa mga kabataan para manatiling mentally healthy sa panahon ng pandemya?
“Siguro partly hindi po dahil marami po kasi akong kasama sa house nung pandemic. Kaya kahit naka-quarantine, okay lang po.
“Nagkaroon kasi ako ng time sa sarili ko at makapagpahinga. Although wala nga lang pong work. Nung lock in taping ko lang partly naramdaman ang medyo nakaka-depress. Kasi after work balik na kami sa kanya kanya naming room. Di kami pinapayagan to mingle sa mga co-actors namin. At isang buwan po iyon.
“Siguro maipapayo ko lang sa mga kabataan na magdasal palagi. Ang mind kasi natin madaling i-pollute ng mga masamang bagay lalo na ‘pag walang ginagawa.
“Always keep themselves busy para hindi ma-depress at isa pa, maging helpful din sila sa house nila para hindi sila magisip ng ibang bagay.”
Sino pa ang artistang hindi nakakatrabaho ni Sanya ang nais niyang makatrabaho at bakit?
“Siguro sina Alden at si Ms. Bea Alonzo.
“Gusto kong makasama rin sila sa isang show. Dream siyempre ng isang artista ang makatrabaho si Ms. Bea. Lalo na ako dahil idol ko siya noon pa. As a matter of fact, most ng mga audition pieces na ginagamit ko noon ay excerpt sa mga movies ni Ms. Bea.
“Si Alden naman gusto kong makatrabaho ng mas mahaba dahil ilang beses na kaming nagkasama before pero mostly hosting job lang and short guesting stint sa Encantadia.
“Sana this time sa mga teleserye naman.”
***
ANO na ang pinakagrabeng nagawa ni Lianne Valentin nang dahil sa pag-ibig?
“Nagpaka-tanga! Lahat naman po tayo nagiging tanga dahil sa pag ibig. Ouch!”
Co-stars sina Lianne at Bianca Umali sa Tropang Potchi na children’s show ng GMA na umere noong 2009.
Naging friends ba sila? Until now? Nagba-bonding pa ba sila hanggang ngayon?
“Ah si Bianca, yes po naging close kami nung Tropang Potchi days.
“Nakakatawa kapag nakita niyo po ang mga pictures namin nung bata pa kami! But siyempre, as you get older, meron na tayong tinatahak na kanya-kanyang daan. Pero we’re still friends.”
Ano ang masasabi ni Lianne na mula sa Tropang Potchi ay isa na siyang ganap na dalaga at leading lady sa isang mapangahas na teleserye?
“Hindi po madali, kasi matagal ko pong hinintay ang ganitong klaseng role and opportunity. Hindi rin po ito biglang bumagsak sa palad ko, pinaghirapan ko po ito ng sobra sa audition.
“I gave my very best as in 200% best for this.”
Isang Sparkle artist si Lianne; ano ang mga ginagawa niya upang hindi masira ang tiwala sa kanya ng Sparkle/GMA management?
“I’m doing my best to perform in every scene and project para makita po nila na hindi po sila nagkamali sa ’kin and that I’m worth it po,” pahayag pa ni Lianne na isa sa mga bida sa Apoy Sa Langit with Maricel Laxa, Mikee Quintos and Zoren Legaspi na napapanood tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.
The post Sanya feel makasama sa proyekto sina Bea at Alden appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: