Facebook

Cesar nangapa sa movie kasama ang anak na si Diego

Ni WALLY PERALTA

HINDI na rin bago para kay Cesar Montano na gumawa ng mga bioepic movies, sa katunayan pa nga ay pawang hits sa kritiko at sa box office ang mga ito.
Tulad na lang ng bio movie sa ating national hero na si Jose Rizal at Andres Bonifacio, andiyan din ang ‘Muro Ami’ pero sa latest movie niyang nagawa kasama for the first time ang anak na si Diego Loyzaga ay aminado si Cesar na sadyang nangapa siya sa bioepic movie na “Maid In Malacanang”, showing in all theaters nationwide starting July 20, na ginampanan niya ang role ng yumaong presidenteng si Ferdinand Edralin Marcos, Sr. at ang anak naman na si Diego ay ginampanan ang young Bongbong Marcos.
“Maid in Malacañang” is a dramedy film that gives us a glimpse of the last 72 hours of the Marcoses inside the Palace before fleeing to Hawaii during the 1986 People Power Revolution.
Ayon sa magaling na aktor, hindi tulad ng mga nauna niyang biopic movies ay maraming libro ang pwedeng pagbasehan pero sa ‘Maid In The Philippines” ay limitado lang ang kanilang resources dahil na rin sa hindi masyadong nagawan ng documentary ang buhay ng mga Marcos sa huling 72 hours nila sa palasyo.
Kaya ‘nangapa’ maging si Cesar sa paghahanap ng mga documento to the point na kinausap pa niya ang mga taong involved sa pangyayari.
“I tried to do more research on FM but kakaunti lang ang available na videos on him, so I want to talk to Sen. Imee Marcos so I can ask her about her father felt at that time, para naman I can give justice to the role,” say ni Cesar.
Aside from Cesar and Diego, the film also stars Ruffa Gutierrez as First Lady Imelda Marcos, Cristine Reyes as Imee, Ella Cruz as Irene, Kyle Velino as Greggy Araneta and Kiko Estrada as Tommy Manotoc.
Playing the maids who were then serving the Marcoses are Elizabeth Oropesa as Yaya Lucy, the meddlesome maid everyone is scared of; Karla Estrada as Yaya Santa, the family’s favorite yaya; and Beverly Salviejo as Yaya Biday, the Ilocano Yaya. Sa direksyon ni Darryl Yap.
First time working with son Diego.
Tulad nina Cesar at Teresa ay maituturing din ang anak nilang si Diego na magaling na aktor ng makabagong henerasyon. Kaya ganun na lang ang excitement kay Cesar na for the first time ay nakasama niya sa “Maid in Malacañang” ang anak na aktor.
“I’m happy and excited kasi I’d finally get to work with my son, Diego, who plays Bongbong Marcos. It’s a great blessing for us. Finally, magkakatrabaho na kaming dalawa,” say pa ni Cesar.

The post Cesar nangapa sa movie kasama ang anak na si Diego appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cesar nangapa sa movie kasama ang anak na si Diego Cesar nangapa sa movie kasama ang anak na si Diego Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.