Facebook

‘Team Calixto’ nagpasalamat sa mamamayan ng Pasay city

NAGPASALAMAT ang mga re-elected government officials ng ‘Team Calixto’ sa mamamayan ng lungsod Pasay matapos ang isang thanksgiving mass at oath taking ceremony na idinaos sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus na matatagpuan sa Newport boulevard, Villamor airbase kahapon ng umaga.

Ang panunumpa sa tungkulin ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay sinalubong ng masigabong palakpakan gayundin ang bise-Alkalde na si Waldertudes ‘Ding’ del Rosario at maging ang nakatatandang kapatid na si Representative Antonio’Tony’ Calixto kabilang ang buong ‘Team Calixto’ matapos ang misa ng pasasalamat na isinagawa ni Bishop Oscar Florencio ng Military Ordinate of the Philippines.

Nagwagi ng kanyang ikalawang termino bilang alkalde si Calixto-Rubiano nitong nakalipas na May 9 eleksyon habang si ‘Ding’ na anak ni dating Vice Mayor Boyet del Rosario ay manunungkulan sa unang termino.

Labis ang pasasalamat ni Calixto-Rubiano sa lahat ng residente ng lungsod dahil sa patuloy na pagsuporta sa ‘Team Calixto’ at nangakong ipagpapatuloy nito ang nasimulang pagbabago tungo sa maayos na serbisyo sa mga Pasayenio.

Bukod dito ay pag-iibayuhin ng kanyang administrasyon  ang pagbibigay ng serbisyo sa programang HELP

H-ealth care and housing; E-ducation, economic growth and enviroment; L-ivelihood and lifestyle ,P-eace and order,palengke at pamilya.

Ang mga nahalal na ‘Team Calixto’ Councilors ng District 1 ay kinabibilangan nina Mark Calixto, Grace Santos, Antonia Cuneta, Marlon Pesebre, Ambet Alvina at Ding Santos habang ang mga konsehal na nagwagi sa District II ay sina Joey Isidro, Wowee Manguerra, Donna Vendivel, Jen Panaligan at Allo Arceo.

Ang ‘Team Calixto’ ay sumumpa sa kanilang tungkulin sa harap ni Pasay City Regional Trial Court Branch 45 Judge Remiebel U. Mondia. (Jojo Sadiwa)

The post ‘Team Calixto’ nagpasalamat sa mamamayan ng Pasay city appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Team Calixto’ nagpasalamat sa mamamayan ng Pasay city ‘Team Calixto’ nagpasalamat sa mamamayan ng Pasay city Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.