Facebook

4 Pugante arestado sa Aklan

MALAY, Aklan – Arestado ang apat na pugante na sa nasa listahan ng Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng Malay Municipal Police Station, Sabado sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay Police Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay police station, nadakip ang tatlong suspek sa Barangay Manocmanoc, Malay, Aklan na sangkot sa iba’t ibang kasong kriminal.

Sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Balabag, nadakip naman ang isang suspek na may kasong Acts of Lasciviousness.

Pinuri naman ni De Dios ang mga kanyang tauhan sa matagumpay na operasyon laban sa mga wanted person.

Hinimok din niya ang buong Malay-PNP na patuloy ang gagawin operasyon para ligtas ang munisipalidad sa mga masasamang elemento lalo na ang isla ng Boracay dahil sa mga turistang dumadagsa.

“This only shows that the Malay PNP is serious in its ongoing manhunt operations on all persons sought by the law,” ani pa ni de Dios.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Malay-PNP ang mga suspek para sa karampatang disposisyon

The post 4 Pugante arestado sa Aklan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 Pugante arestado sa Aklan 4 Pugante arestado sa Aklan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 04, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.