Facebook

Maine inisnab ang oathtaking ng dyowang si Arjo

Ni JOVI LLOZA

NAPANSIN ng netizens na tila wala ang presensya ni Maine Mendoza sa oathtaking ng newly-elected Congresman ng District 1 ng QC na si Arjo Atayde
Hindi ipinaliwanag ang kadahilanan kung bakit nga walang Maine na sumuporta sa oath taking ng bf kamakailan.
Malaking factor din kasi ang partisipasyon ni Maine sa pagkapanalo ni Arjo sa Distrito Uno ng Kyusi.
Kaya naman di maialis na hanapin ang appearance ng TV host-actress na si Maine.
Kung super mega proud si Maine sa pagkapanalo ng bf na si Arjo.
Proud at wala rin pagsidlan ang kanyang Kapamilya sa pagkapanalo ni Arjo.
Halos lahat na yata ng panlilibak, pang-alipusta at pangungutya ay ibinato kay Arjo ng mga kalaban sa pulitika
Mismong ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang nagsabi na wala itong sinagot kahit isa sa mga batikos sa politician-actor.
Sabi nga ni Cong. Arjo na ayaw na lang nito gumaya sa mga nambabastos dahil di naman niya katulad ang mga ito.
Hindi pa man ay may batas na itong isinusulong sa 19th Congress ang Kyusi bilang Film and Television Arts Capital.
Isa talaga sa dream ni Arjo ay tumulong sa mga kababayang kapuspalad kaya masuwerte ang Distrito Uno sa pagkakaroon ng tulad ni Cong. Arjo.
***
Billy at Matteo mag-oober da bakod na sa Siyete
UGONG-ugong na tsika na magiging Kapuso na ang mister ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.
May sitsit kasi na magho-host ito ng show at magkakaroon ng serye sa GMA-7.
Suwerte namang maituturing si Billy Crawford na may mga balitang magiging Kapuso na ito.
Iho-host naman daw nito ang The Wall.
Napaka-lucky ni Billy pag nagkataon dahil araw-araw na itong mapapanood.
Mula sa Lunch Out Loud or LOL sa TV5 ay mawa-watch din ito every Sunday sa The Wall sa GMA-7.
Pero sa kabila ng mga bali-balita na balik Kapuso na si Billy at magiging Kapuso na si Matteo, wala pa naman daw linaw or kumpimarsyon mula sa ehekutibo ng GMA-7 regarding sa nagkalat na pagiging Kapuso ng dalawang aktor na mula sa Kapamilya network.
Abangan! Well, well, well… ‘Yun na!

The post Maine inisnab ang oathtaking ng dyowang si Arjo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maine inisnab ang oathtaking ng dyowang si Arjo Maine inisnab ang oathtaking ng dyowang si Arjo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.