Facebook

Ala-Pharmally na transaksyon sa Cebu

SA kanyang inaugural speech noong Huwebes (Hunyo 30, 2022), pawang pahapyaw lang ang mga binanggit na patakaran ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr..

Tingin ko ay inuga niya lang ang mga pinatatamaan. Abangan nalang natin ang kanyang unang ‘State of the Nation Address’ (SONA) sa huling Lunes ng buwan na ito.

Nakatawag pansin sa atin kasi ‘yung sinambit ni Pangulong BBM na tila ba gusto niyang kalimutan na ang nakaraan at ituon natin ang ating isipan sa kinabukasan. Tama naman!

Pero… Mr. President, papaano yung atraso ng mga nagsamantala sa kaban ng bayan lalo na sa kalagitnaan ng COVID 19 pandemic sa nakaraang administrasyon (Duterte)? Ibig bang sabihin ay “quits” na tayo sa Pharmally? Tsk tsk tsk… Unfair naman ‘yun, Mr. President.

Oo! Mismong ang Senate Blue Ribbon Committee ang nagsabing overpriced ang presyo ng medical equipments na ibinenta ng Pharmally sa Department of Health (DoH). Iyung facemask lang pumatak ng tig-P27.72 bawat isa. Umabot ng P10 milyon piso ang transakyon. Grabe! Overpricing sa panahon ng krisis!!!

Mr. President, kung ‘yung mga taga Bureau of Customs (BoC) ay balak ninyong papanagutin sa smuggling ng agricultural products, aba’y huwag n’yo ring ipikit ang inyong mga mata sa iba pang mga nagsamantala, lalo na ‘yung mga nagsamantala sa kasagsagan ng kahirapan. Opo!

Alam nyo ba, Mr. President, habang nagaganap ang overpriced transaction ng Pharmally, ating napag-alamang may kasabayan palang facemask transakyon ang United JT Traders Incorporated sa Cebu. Opo! Halos P15-million na kontrata ng facemask na nagkakahalaga naman ng P25 bawat isa. Wow! Kung yung sa Pharmally, ang sabi ng Senado ay overpriced, walang duda overpriced din ang facemask sa Cebu!

Aba’y dapat ding maimbestigahan ito, Mr. President!

Ang United JT Traders Incorporated ay pag-aari ng kilalang-kilala sa sirkulo ng mga negosyante sa Cebu na dating pangulo ng Chamber of Commerce.

Hindi nagkakalayo ang presyo ng Pharmally sa presyo ng United JT Traders Incorporated. Hindi kaya nadehado rin ang Cebu LGU sa mga facemasks na binili? Hindi na magkanda-kumahog ang pamahalaan pagkasyahin ang pondo sa napakaraming pangangailangan sa gitna ng hagupit ng pandemya, tatapatan pa ng mapagsamantalang pagnenegosyo! Yawa!!!

Maaring para sa may-ari ng United Jt Traders, maliit na halaga ang P25.00. Pero sa mga dukhang halos hindi na makatindig sa tindi ng dagok sa kabuhayan ng COVID 19 pandemic, masyadong mabigat ang P25.00 na kapag inipon ay pwede nang pambili ng bigas at ulam bilang ayuda para sa mga mamamayan. Mismo!

Kaya kahit pa sabihin ng Pangulong BBM na kalimutan na ang nakaraan at huwag masyadong maging sentimental, sa aking pananaw ay kailangang busisiin ang mga transakyong tulad ng sa United JT Traders Incorporated. Dapat!

Mapanamantalang pagnenegosyo, hindi na dapat maulit.

Imbestigahan!

The post Ala-Pharmally na transaksyon sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ala-Pharmally na transaksyon sa Cebu Ala-Pharmally na transaksyon sa Cebu Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.