Ni ROMMEL GONZALES
BIDA si Andrea Torres ngayong 2022 sa international movie na Pasional na gaganap siya bilang isang dancer.
Una na rito ay ginawa ni Andrea ang Cambodian film na Fight For Love noong 2016.
Kumusta magtrabahong muli sa isang international movie?
Ano ang malaking kaibahan ng isang foreign production sa isang local production?
“I feel incredibly blessed with the projects I’m given since last year. Talaga pong more than what I prayed for and imagined.
“Napakaganda po ng experience ko with them. Sobra po nila kong inalagaan on and off cam. Before leaving po they asked me for a list of things that I need to make me comfortable at work. They also provided a trailer for me. “Nakakatuwa po complete po siya with bed, bathroom, mini-kitchen, sofa.
“It also didn’t take time for us to bond. Preparations pa lang po palagay na ang loob namin sa isa’t isa. Ang ganda ng communication namin kahit na magkaiba kami ng language.
“Nag-heart-to-heart talk po kami ng director ko bago mag-roll and we were pleasantly surprised that we had the same interpretation sa character ko at sa story.
“I gave my full trust in him. Sinabi ko talaga sa sarili ko magiging bukas ako sa lahat kasi alam kong maaaring may differences tayo sa paraan ng paggawa ng material.
“Kung dito po ay heavy drama tayo at babad ang movements, doon po ang madalas na request sa akin ay “no tears” and quick movements. So may adjustments po talaga.
“Pero ako po kasi I make sure I always talk to my director. “Kinaklaro ko po lagi saan nanggagaling at ano ang vision niya for the scene especially this one kasi siya rin ang nagsulat ng Pasional.
“Nagkaron po ako ng realization na, ‘Ay puwede rin yung ganito naman na atake!’
“Maganda rin siya. Na-appreciate ko siya. So pakiramdam ko po nag-grow ako bilang artista, na naka-discover ako ng panibagong atake kumbaga,” mahabang pahayag ni Andrea .
Pinakuwento naman sa sexy Sparkle artists ang plot ng Pasional, at kung ano ang experience niya working with foreign actors and production team?
“It’s a love story that happened in the most unexpected situation. Di mo iisipin na puwede silang ma-fall sa isa’t isa pero iyon yung beauty nung film kasi kasama yung audience sa journey, kung paano sila mapapalapit sa isa’t isa.
“Nakakatuwa rin kasi may mga eksena na papalit-palit ang English and Spanish sila sa conversation.”
Ang mga banyagang nakatrabaho ni Andrea sa Pasional ay ang kanilang assistant director na si Nicolas Cacciavillani, ang director of photography na si Gio Croatto; ang kanilang direktor na si Francisco D’Intino; at ang kanilang producer na si Luciano Croatto, Agustin Clerico ng Malevo Films of Argentina at ang Filipino independent producer na si Noel Maximo; co-producer din nila siyempre ang GMA Films.
Ang leading man naman ni Andrea sa Pasional ay ang Argentine actor na si Marcelo Melingo.
Ano ang next project ni Andrea sa GMA?
“Meron po akong naririnig pero alam niyo naman po ako ayokong i-claim until it’s there. Until may storycon na at nagte-taping na kami. He! He! He!
“Pero this is one of my best years with GMA. I am very grateful sa takbo ng career ko sa kanila.”
Nakatrabaho na ni Andrea sa ilang episodes ng Happy ToGetHer si John Lloyd Cruz; paano niya ilalarawan bilang tao at bilang actor si JLC?
“Napaka-humble niya despite his talents and all his achievements. Nakaka-inspire to see him at work kasi iba siya mag-isip at mag-interpret ng eksena.
“Meron siyang mga dinadagdag para mapaganda ang mga eksena, na ikaw parang, ‘Ay oo nga ‘noh, ang galing!’ “Ang galing niya maghimay ng eksena. Magaan sa set kasi maloko rin siya. Masaya lang.”
Medyo matagal nang loveless si Andrea, paano niya naha-handle na wala siyang karelasyon sa matagal na panahon?
“Ako naman po kasi I’m happy and content with my life as is. Pag nagkakaron ako ng karelasyon, he adds to it. Hindi mo gagawing missing piece yung lovelife.
“Para ikaw rin, buo kang papasok sa buhay ng karelasyon mo. ??
“I have a solid faith so I never look for it. Naniniwala akong darating ‘yan pag feel ni God na ready na ulit. Basta I give my whole focus and energy with everything that I do.”
Kanino siya kumukuha ng inspirasyon sa buhay?
“Of course number one diyan si God who’s been so good to me. He inspires me to live my life with a purpose. Live life to the fullest.
“Next diyan ang mga goals ko at ang family ko. Marami akong dreams at kasama sila lagi doon.”
Hindi ba siya nakaranas ng anxiety o depression sa panahon ng pandemya? Kung oo, paano niya ito nalampasan?
“Meron din po lalo na nung hindi pa natin ma-pinpoint kailan siya matatapos. Nayanig talaga ang mundo at dumaplis din sa isip ko na it may never go back to how it used to be.
“Una ko pong ginawa siyempre nagdasal talaga. Lahat ng worries ko binigay ko sa Itaas.
“Reading, listening and watching inspirational and self-help content also made a huge difference.
“Also yung support system. Kapit-kapit kayo ng mga mahal mo sa buhay. Maganda rin siyempre meron kang nakakausap para maiwasan yung pag-o-overthink.
“But it’s easier said than done. It’s really a process so you have to be kind to yourself and take it one step, one day at a time.”
Bilang dati rin siyang talent sa kabilang istasyon, ano ang reaksyon niya sa mga artistang nagsisilipat sa GMA?
“Sa akin po natutuwa ako kasi fresh po sa paningin ng mga tao and even sa amin na may makasama po kami for the first time. Exciting siya. “I welcome it.”
Sa dami ng mga napuntahan na niyang lugar, tulad ng mga lugar na napuntahan niya sa shooting ng Pasional, kahit may pandemya, saan pa niya nais pumunta at magbakasyon at bakit?
“Marami pa po. Travel po talaga ang tinuturing kong reward sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay. Gusto ko po makapunta ng Paris, Italy, Spain, Rome, Greece, Switzerland… and the list goes on. He! He! He! “Marami rin po akong napuntahan na gusto kong balikan.”
The post Andrea di nakukulangan kahit matagal nang loveless appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: