
Nais siguruhin ng pamunuan ng Land Transportation Office na magiging maayos at ligtas ang gagawing paglalakbay ng mga commuters at motorista na uuwi sa kani kanilang probinsiya para samahan sa puntod at ipagdasal ang mga namayapang mahal sa buhay sa paggunita ng Undas.
Halos dalawang taon mga Ka Usapang HAUZ na pawang sa kani kanilang tahanan nagsitirik ng kandila at nagdasal para sa mga namayapang mahal sa buhay dahil sa epekto ng COVID-19 na ipinagbawal ang pagbiyahe sa mga pampublikong sasakyan.
Kaya ngayon mga Ka Usapang HAUZ nakakatiyak ang mga pasahero na uuwi ng kanilang probinsiya na hindi kakaba-kaba sa biyahe dahil sa programa ng LTO na “Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022, bilang bahagi ng programa itataas nito ang alerto na naglalayong tutukan ang kaligtasan ng mga commuters at motorista.
Base sa ipinalabas na derektiba mga Ka Usapang HAUZ, simula ngayong araw Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4, ipatutupad ng LTO ang heightened alert sa lahat ng mga tanggapan nito sa bansa. Nangangahulagan ito na hindi muna maaaring makapagday-off o bakasyon ang mga LTO enforcer na pakikilusin sa panahon na ito, Ayan po ha ang liwanag No Day Off.
Para sa taong ito, ipinahayag ng LTO na ang kaligtasan sa daan at defensive driving ang isa sa mga aktibidad na itatampok sa “Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022” ng ahensya.
Inaasahan na ng LTO na kasunod ng pagluwag sa pagbiyahe sa gitna ng COVID-19 pandemic ay mas marami ang daragsa sa mga sementeryo upang bisitahin ang mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Kaugnay nito ay ikinasa na ng LTO ang mga aktibidad upang magabayan ang mga drayber at operator ng public utility vehicles (PUVs), pribadong sasakyan, at ng pangkalahatang publiko hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa mga batas-trapiko, pagpapairl ng gawang pangkaligtasan sa daan at depensibong pagmamaneho.
Kamakalawa mga Ka Usapang HAUZ Idinaos ng LTO ang multi-sectoral coordination meeting kasama ang law enforcement groups at road management units ng iba pang ahensiya ng gobyerno upang ilahad ang mga paghahanda para sa Undas 2022.
Sinundan ito ng Road Safety and Defensive Driving seminar kasama ang mga drayber at kundoktor ng mga Public Utility Bus (PUB). Bahagi ang seminar na ito sa patuloy na pagsisikap ng LTO na mas palakasin ang kampanya laban sa pagmamaneho ng lasing o nasa impluwensya ng ilegal na droga.
Sinimulan na rin ang pagdeploy o pagpapakilos ng mobile teams ng LTO Central Office sa mga transport terminal sa National Capital Region. Hiwalay din ito sa inspeksyong isinasagawa ng mga tauhan ng LTO sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
“We are already anticipating our cemeteries to be teeming with more people during the week prior to All Saints’ Day compared to the previous two years since lockdowns and community quarantines have already been lifted. The public can rest assured, however, that the LTO will monitor the situation in our roads in close coordination with various transport groups and other concerned government agencies in the areas of law enforcement and medical emergency response to ensure that road safety will always be observed and maintained,” ang mariing payahag ni LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III.
Sa katunayan mga Ka Usapang HAUZ mayroong mga bus ang hindi pinayagang makabiyahe dahil sa nakitaan ito ng mga depekto na posibleng maging dahilan ng aksidente matapos ang isinagawang surprised visit ng mga tauhan ng LTO sa mga bus terminal.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036
The post LTO enforcers no day off sa Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: