
SI Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr, Director ng Nothern Police District (NPD) ay isang magaling, maasahan at matapat sa trabahong senior official ng Philippine National Police (PNP), ayon sa ating mga KASIKRETA diyan sa Camp Crame.
Sa mga naging assigment – isa rito ay nang maging provincial commander ng Zambales – si Col. Peñones ay palaging “very good”, mataas ang grado sa kanyang mga naging superiors dahil sa sipag sa trabaho na nagreresulta ng magandang accomplishment sa police organization.
Bilang officer- in- charge ng North Metro Manila Police, ang distrito ay recipient ng iba’t ibang award dahil sa mataas na rating sa kanilang anti- crime operations, partikular sa droga at pag-aresto ng kriminal at nagtatago sa batas, ayon sa ating pagsasaliksik sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Pero alam kaya ni Col. Peñones na may dalawang nilalang na sumisira sa malinis niyang pangalan?
Kwento ng ating mga KASIKRETA sa Camp Crame at NCRPO, isang nangangalang SHORNACK at IKING na dating mga pulis ay ginagamit, ipinanakot ang kanyang pangalan sa pangongolekta ng weekly intelhencia o tongpats sa mga iligalista sa CAMANAVA (CALOOCAN, MALABON, NAVOTAS at VALENZUELA) area.
Si SHORNACK at IKING ay mga retiradong miyembro ng PNP na hindi naging matapat sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas, dahil sa kanilang buong buhay sa pagpupulis, pangongolekta lang ng tongpats ang kanilang araw araw na trabaho kaya ang kanilang buhay ngayon ay hayahay, ayon pa sa mga KASIKRETA natin.
Bukod sa pagiging PNP tong collector, si SHORNACK ay isa ring gambling lord, financier / operator ng karera bookies diyan sa area of responsibility (AOR) ni Manila Police District Director PBGen. Andre Dizon at Mayor Honey Lacuña.
Samantala itong si IKING ay dating nakatalaga sa NPD District Police Intelligence Unit (DPIU) na wala nang ibang naging assignment pa dahil siya ang pinagkakatiwalaan ng mga dumarating at umuupong NPD Director dahil sa dunong, hindi sa anti-criminal aspect na dapat angkin ng isang police intelligence operative, kundi sa galing sa pangongolekta ng regular intelhencia.
Itong sina SHORNACK at IKING ay nagpagakilalang official tong collector ni Col. Peñones at ilang matataas na opisyales ng NPD, umiikot sa mga vice dens sa buong CAMANAVA, para kolektahin ang weekly lagay na umaabot ng milyones, kuwento ng ating mga KASIKRETA.
Kailangang kumilos si Col. Peñones dahil unti- unti ay winawarak nina SHORNACK at IKING ang kanyang maningning pangalan at imahe.
Pahuli mo Colonel itong dalawang tiwali at ogag na ito, na hindi lamang pinuputikan ang iyong pangalan kundi ginigiba at sinisira din ang imahe ng PNP dahil sa panghaharbat ng mga ito sa mga iligalista na di naman dapat kinukinsinte ng kapulisan.
Dahil sa ginagawa ng dalawang salot na ito sa lipunan ay baka magalit si PNP Chief Gen. Rodolfo “Junaz” AzurinJr. at NCRPO Chief MajGen. Jonnel Estomo, baka manatili na lamang na OIC ng NPD si Col. Peñones at ang pinaka-matindi na mangyari ay baka ibinbin ang star rank na nagbabadya nang dadapo sa balikat ni Col. Peñones?
Bukod kay Col Peñones, may natanggap tayong balita na pati si Caloocan Mayor Gonzalo “Dale Along” Malapitan ay ginagamit din nina SHORNACK ay IKING sa kanilang tong collection activities sa pamamagitan ng pananakot sa mga iligalista na sila’y pinahuhuli ng alkalde at para di sila hulihin, kailangan ang dagdag lagay. Pang FAMAS talaga, ang galing gumawa ng drama ng dalawang ugok na ito.
Bakit naman kina SHORNACK at IKING ipinag uutos ang paghuli ng vice joints eh gayong may Caloocan Police naman na dapat na atasan ni Mayor Along dahil ang lokal police lamang ang saklaw ng isang city executive.
Gusto lang magpadagdag ng tong, ay gagamitin pa si Mayor along. Style nina SHORNACK at IKING, bulokkkkkk!
Bumabaho ang imahe mg Pambansang Kapulisan dahil sa pambabalahura ng mga protector at vice tong collectors tulad nina SHORNACK at IKING.
Higit pa ang mga ito sa drug pusher na dapat ding matokhang. Ano sa palagay mo Gen Junaz Azurin Jr. sir? Susubaybayan natin ang kolek- tong activity nitiong sina SHORNACK at IKING… SUBAYBAYAN…
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com
The post SHORNACK AT IKING, SALOT KAY COL. PONCE ROGELIO PEÑONES, JR! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: