Facebook

2 tulak bulagta, nakuhanan ng P1m shabu

Patay ang dalawang drug suspect sa buy-bust operation sa Sesame St., Brgy. Cogon, Ormoc City, Martes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Paolo Cesar Pabingwit at isa pang kilala lamang sa pangalang Cabahug.

Ayon sa PNP Drug Enforcement Unit Special Operations Unit sa Eastern Visayas, nagresulta sa armadong engkwentro ang isinagawang anti-illegal drugs operation nang manlaban at paputukan ng baril ng mga suspek ang operating team.

Nagkaroon ng ilang minuto na palitan ng putok at hot pursuit ang nauwi sa pagkamatay ng mga suspek.

Nakuha mula sa pag-iingat ng mga suspek ang nasa 130 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P884,000, .45 caliber na baril, at isang improvised shotgun.

The post 2 tulak bulagta, nakuhanan ng P1m shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 tulak bulagta, nakuhanan ng P1m shabu 2 tulak bulagta, nakuhanan ng P1m shabu Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.