Facebook

Angelika type makagat ni Elijah

Ni ROMMEL PLACENTE
Si Ara  Mina ang pangunahing bida sa horror film na Katok na napapanood na ngayon sa AQ Prime, mula sa direksyon ni Direk Joven Tan.
Aminado si Ara na natutuwa siya na nakakagawa ng horror film dahil paborito niya ang mga ganitong klase ng mga palabas.
“Ako, I love horror films. Ang challenge, maka-act ka na talagang matatakot ang audience. Minsan, pag sa shoot para kasing di nakakatakot nung kinukunan, pero dapat mag-turn out siya na nakakatakot while watching,” sabi ni Ara.
Patuloy niya,”Siyempre haunted house, nandun ka, natutulog ka and dalawa lang kayo sa haunted house, kami lang ni Soliman Cruz.
“Actually, mas nakakatakot yung horror na yung lagi kang nagugulat. Hindi siya yung horror na ma-effect, yung iba kasi ma-effects naman saka may character.
“Minsan, ito yung parang real life na nakakatakot. Di ba minsan, pumasok ka lang sa haunted house, kinikilabutan ka na?”
Habang ginagawa ang nasabing pelikula ay may mga nakakatakot na karanasan na na-experience si Ara at ang ibang cast nito.
Kwento ni Ara,”Heto nung nag-shooting ako, may gumanun na kamay sa kamera. Sabi ni Direk, “sino iyan?’
“E, wala namang tao, ako nga lang yung nag-eeksena, nandun silang lahat behind the camera.
“Hayun, medyo creepy lang, pero sanay kasi akong manood ng horror films. I don’t have third eye or something pero nagulat lang din ako, bakit may kamay.
“May mga times din nararamdaman ko na nagiging creepy na yung pakiramdam ko sa lugar.
“Dinasalan daw nila, and before we started kasi sa first scene ko, bumagsak yung frame nung Japanese ba yun? Nagulat ako. Nagdasal din naman kami bago kami mag-take.”
Bukod kay Ara, ang ilan pa sa cast ng Katok ay sina Ynigo Delen, Joyce Javier, Mia Aquino at Soliman Cruz.
Samantala, aminado si Ara na hindi na siya basta-basta tumatanggap ng pelikula. Naging picky na raw siya mula nang magkaroon ng asawa’t anak.
“Nu’ng nagkaroon na ako ng anak, picky na ako. Nung nagkaroon ako ng asawa, very picky na ako..
“Bawal sa akin ang kissing scene.
“Hindi naman dahil ayaw ng asawa ko or something. Ako na rin parang siyempre, hindi siya sanay sa showbiz. Baka hindi niya naiintindihan ‘yung trabaho ko. Kaya ako na rin ‘yung hindi nag-a-accept (ng role na may kissing scene).
“And ayoko rin yun makita ng anak ko na baka sabihin niya,”Mama you have a husband and then you’re kissing somebody,” So ie-explain ko pa. Tapos na tayo sa ganoong era,”paliwanag pa ni Ara.

***

ISA si Angelika Santiago sa cast ng Plandemic mula sa direksyon ni Danny Marquez. Gumaganap siya rito bilang si Alyana.
“Ako yung medyo may crush-crush kay Albert (Ford Valencia). Actually I really had fun playing that role dahil kahit medyo pabebe ako kay Albert, ipinakita ng role ko na kaya kong pumatay ng zombies,” sabi ni Angelika tungkol sa kanyang role sa Plandemic.
Natutuwa si Angelica na naging bahagi siya ng pelikula.
“Kasi sobrang ganda ng produksyon at ganda ng pelikula,” aniya pa.
Dahil ang tema ng pelikula ay about zombies, tinanong namin si Angelika kung sino ang gusto niyang artista na kumagat sa kanya kung naging zombie ito, ang sagot niya ay si Elijah Alejo.
“Best friend ko kasi si Elijah. Kasi, kung kakagatin niya ako, imbes na matakot  magkakatawanan lang kaming dalawa,” natatawang sagot ng magandang young actress.
Sina Angelika at Elijah ay naging malapit na magkaibigan mula nang magkasama sila sa defunct series ng GMA 7 na Prima Donnas.

The post Angelika type makagat ni Elijah appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Angelika type makagat ni Elijah Angelika type makagat ni Elijah Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.