Ni GERRY OCAMPO
PAGLILINAW ni Sharon Cuneta na hindi sumama ang loob niya nang di siya papasukin sa Hermes store sa South Korean na naging controversial kamakailan matapos niyang ilabas sa kanyang vlog ilang linggo na ang nakararaan.
Sa latest vlog ng Megastar na Mega Unboxing Seoul Haul na in-upload last Wednesday, nagbigay siya ng paglilinaw tungkol sa detalye ng pangyayari.
“Once and for all, sinabi ko na sa Instagram parang wala pong nakikinig, walang nagbabasa, kasi paulit-ulit, ang kulit-kulit,” aniya.
“Once and for all, sabihin ko lang po, I know, of course I know that you need an appointment with an Hermes boutique before you can go.
“Because I tried in the States and I didn`t have the time to go, so I didn`t go. Anyway and usually kami pong mga artista at iba pang tao, hindi lang po artista, pero maraming artista po kami na we have our own personal shopper.
“Lahat po ng bags ko, kahit anong tatak – kesyo, Chanel, ke Hermes, ke Louis Vuitton, sila po ang nagpapadala sa akin ng picture, kung ano`ng bago. Kahit ano pong tatak `yan at minsan po, nakaupo lang ako, mine-makeup-an , nagsa-shopping na po ako nu`n ng kahit ano`ng gusto ko,” paliwanag ng Megastar.
Paglilinaw din ni Sharon na hindi talaga siya nagalit nang hindi nakapasok sa Hermes.
“I just wanna say hindi po ako nagalit nu`ng di ako pinapasok sa Hermes, dahil nagbakasali lang po ako na baka naman puwede, because usually `pag konti lang naman ang clients sa loob, yung shoppers, they sometimes let you in.
“So, nagbakasakali lang ako, cause I just really wanted a belt because, I really truthfullly do not need anything more from Hermes that I don`t already have. Okay na po ako sa mga bags ko, wala akong type na bagong kulay, so okey na po ako. Yung iba hindi ko pa nagagamit, so hindi po ako nao-offend,” aniya.
At lalong wala raw kasalanan ang guard dahil naiintindihan niya ito.
“Naiintindihan ko agad yung guard, wala namang kinalaman yung guard. Ba`t naman sasama ang loob ko?” she said.
Sinagot din ng Megastar ang akusasyon sa kanya ng netizens na nakapanood sa video na mayabang siya.
“Nagkataon lang, heto ang Louis Vuitton sa tapat niya. Heto yung Hermes, ayan nakakita na naman ako ng mga kulay na dati, hindi ko nakikita sa Louis Vuitton.
“Napabili nga po ako doon. Sa paglabas namin, hindi rin ako nagyabang. Sabi ko, “Yes, I cannot go? Look I buy everything,” ginanu`n ko lang siya, pero nakangiti ako. Tapos, yung isiningit po ng editor ko (sa vlog), yung parte ni Julia Roberts sa Pretty Woman. Sa mga Sharonian po, nakyutan sila nu`n, it was cute. It wasn`t meant to offend anyone.
***
ANG Identical caption nina Bianca Umali at Ruru Madrid sa kani-kanyang post na, “I found the right one” ay teaser ng upcoming project nila na The Write One sa GMA-7.
Ang project ay tungkol sa second chances, love, and acceptance na next year pa ang airing.
Ipo-produce ng GMA Public Affairs na ididirek ni King Marco Baco na siya ring nagdirek ng Ilustrado, Katipunan, at ang I Love You Stranger na pinagbidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Excited na sina Ruru at Bianca na first time magtatambal at magkatrabaho sa isa`t isa.
“Naikukuwento niya lang sa `kin kung papaano siya mag-work but this time, makikita ko,” say ni Ruru.
Samantala, ipinaliwanag ni Bianca ang istorya ng suot na singsing sa kanyang post na inokray at inakalang engagement ring na nila ito.
“Yung pinakababa, yung may diamond tear-shape, it`s a ring that really came from Ruru. The second one, makikita n`yo yung rings na may sapphires, yung blue diamond that was the ring that I got for myself last year. Ang gintong singsing na may maliit na brilyante ay engagement ring ng nanay ko noon. Yun `yung nagsi-symbolize ng hope para sa `kin na she`s with me.”
Well, sana nga ay maging masaya at matatag ang kanilang pagmamahalan.
***
Mga kalahok na movie sa MMFF nanganganib mag-flopsina
NGAYON pa lang ay kung anu-ano nang pakulo ang ginagawa ng producer, director ng kani-kanilang entry sa darating na Metro Manila Film Festival.
Ang isang producer pinangunahan na ang mga manonood na huwag lang ang movie ng isang sikat na komedyante at sexy actress ang panoorin.
Ang isa naman director ay todo paliwanag na hindi raw sagot sa Maid in Malacanang ang movie nila kundi pangyayari lang daw naganap noong maganap ang kaguluhan sa bansa.
Ang iba namang movie ay temang kabaklaan na kung pagbabasehan sa mga nakaraang festival na kapag gay movie sa ating bansa ay hindi gaanong tinatangkilik. Mayroon din namang matitino talagang movie pero hindi tanggap at tila ayaw ng mga Pinoy ang tema ng istorya.
Kaya hindi kami magtataka kung ilan sa mga movies ay mapasama sa first day, last day sa mga sinehan.
The post Sharon dinenay na mayabang; Bianca inamin, binigyan ng singsing ni Ruru appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: