Ni WALLY PERALTA
ILANG araw pagkatapos sumabog ang hiwalayan blues umano nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakita ang dalawa na magkasama sa isang event na ginanap sa El Nido, Palawan para pangunahan ang launching ng negosyong pinagsamahan nina Kathryn at Piolo Pascual, ang boutique resort na “Isla Amara”.
Sa naturang okasyon ay karay-karay ni Kathryn ang boypen na si Daniel pero sa kabila ng sweetness na pinakikita ng dalawa ay tila ayaw tantanan ng bashers ang hiwalayan isyu ng dalawa.
Narito ang ilan sa komento ng netizens.
“kailangan nilang magkasama kasi nasa kontrata. char”
“Trot. Daming gullible.”
“Daming gullible na fans, tanggapin nyo nalang na break na sila dami pa pong iba jan na para sa bawat isa”
“Baka naman nag e LQ lang tapos bati na”
“teh im not a fan ha pero hindi rin makitid isip ko. its kath and piolos resort and partners, ansabi don sa post. so anong kinalaman ni daniel at ng kontrata niya para sumama talaga siya dyan? duh clearly sumuporta yong tao kay kath.”
“hindi ako si op pero jusko hindi na kayo nasanay sa publicity ng mga artista. Kung hindi yan sasamahan maraming magtatanong. Handa na ba sila mag-explain? Malamang hindi. At may serye pa sila so need nila ng support ng fans. What I’m saying is it’s plausible both ways. Either break na sila & this is for show nalang or sila pa at gustong magpabebe for promo.”
Kung matatandaan, nagbunga ng hindi maganda ang naging tugon ni Daniel sa katanungan hinggil sa loyalty.
Ang sagot ni Kath: “Loyalty for me is contentment. Because if you’re not you won’t look
for anymore person.”
Ayon naman kay DJ: “Alam no kung sino ang pinaka-loyal sa akin ang aso ko si Summer.
Yun ang pinaka-loyal dun ko makikita ang definition ng loyalty. Na kahit anuman ang pinagdadaanan ko ngayon, kung anuman ang sitwasyon at emosyon ko ngayon. Kung sino ako ngayon tatanggapin ako ng buong buo yun ang loyalty. Walang judgement
tatanggapin kung sino ako.”
Samantala, itinanggi na ng mader ni Daniel na si Karla Estrada ang ispekulasyon ng break up ng dalawa sa pagsasabing ‘walang katotohanan’ na caption sa isang larawan na magkasama sina Karla at Kathniel.
The post KathNiel palaisipan pa rin kung hiwalay na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
KathNiel palaisipan pa rin kung hiwalay na
Reviewed by misfitgympal
on
Nobyembre 01, 2022
Rating:
Walang komento: