TATLONG bagay ang batayan ng isang matatag na lipunan. Una, kasiguruhan sa mura at maayos na pagkain; pangalawa, kasiguruhan sa seguridad; at pangatlo ang maayos tirahan. Ito ang mga pinakamahalaga para mabuhay. Ngunit hindi totoo ito. Nang ipangako ng pangulo na bababa ang halaga ng bigas sa P20 kada kilo, pangako ng pulitiko ito, at ang presyong P20 kada kilo ng bigas para sa isang pirasong sibuyas na pula at bigas na pang aso. Nagtataka tayo bakit napakataas ng presyo ng pagkain sa pamilihan samantalang ang Pilipinas ay napakayaman dagat man, o sa lupaing mayabong.
Ayon sa mga magsasaka, magtarak ka lang ng patpat ng malunggay makaraan ang ilang araw magkakadahon ito. Anyare? Bakit ganito at dumaranas na tayo ng krisis sa pagkain? Bakit ganito ang inabot natin pagkasadsad? Tatlo ang nakikitang pagkakamali ng abang na kolumnistang ito. Una ang agrikultura, hanggang ngayon wala pang itinalaga bilang kalihim ng pagsasaka, at sa halip, si BBM ang tumayong pinuno sa DA. Okay sana kung ginagawa niya ang tungkuling kinakailangan pero hindi. Pinababayaan at hinayaan ang pamamahala sa hindi karapat-dapat sa pwesto.
Isa si Cynthia Villar. “Even if she’s a billionaire, I would consider Cynthia Villar poor. She has no sense of compassion, nor an understanding for humanity. She doesn’t know love, nor believe in kindness. If at all she cares, it’s profit that motivates her, & it’s greed that prints money on her face…” Ito ang nakikita ni Jed Q Cepe, netizen at social critic sa ugali,at pagkatao ni Cynthia. Nang naging kinatawan ng Las Piñas, nagpakita siya ng masamang ugali. “Malinis ang konsensya ko,” ani Cynthia, nang sagutin niya ang paratang na ang Rice Tarrification Law ang dahilan ng krisis sa pagkain. Sa totoo, P200 bilyon ang pagkalugi sa sektor ng agrikultura magmula nang ipairal ang RTL. Hindi si Villar ang may sala kundi ang administrasyon ni BBM na pinatuloy lang ang polisiya ng nakaraang administrasyon. Hanggang sa kasalukuyan, wala tayong kalihim sa Department of Agriculture. Hanggang ngayon literal na gutom ang dinaranas ng mga magsasaka, kabalintunaan dahil sila ang sektor na nagtatanim ng ating pagkain.
Mas malaking kabalintunaan dahil si Cynthia Villar ang mas interesadong gawing subdivision ang mga sakain. Gusto ko ang sinabi ni Butch del Rosario: “As a farmer myself I strongly believe in the advocacy & avarice of the condescending Villar. Hell yeah, why don’t we farmers just plant subdivisions instead of rice…” Wala sa hulog ang pagkahirang kay Villar sa Senate Committee on agriculture. Parang nagtalaga ng bayawak bilang tagabantay ng itlugan. Hindi makalalagpas ang kapabayaan sa sektor ng pangingisda na kaunti ng kaunti ang nahuhuling isda dahil pitong buwan matapos ang pagkaluklok ni BBM, ang bansa ay nagmistulang isang bangka na gawa sa alambre. Imbes na umangat lalong lumulubog. Hindi nakakatulong ang gawain ng mga opisyales nito na manisi. Laging kasalanan ng iba, hindi sila. Mantakin niyo, ang agrikultura, maging ang pangingisda ay inaasa na lang sa pag-angkat. Ito ay nanggaling sa isang netizen at magsasaka.
Kabalintunaan dahil ang Pilipinas ay may matabang lupa at mayaman na karagatan subalit ang programa sa pagkain ay pinaasa lamang sa pag-angkat dahil ang bukid ay ginagawang subdivision na sa halip magpapayaman sa kanya, at ang isda ay inaagaw ng mangingisda at katihan ng ibayong bansa. Kung nagkaroon ng bayag at gulugod ang pangulo kagaya ni Widodo ng Indonesia na pinalubog ang barkong Tsino na nagnanakaw ng isda sa kanilang karagatan at pumunta sa lugar na inaako ng mga Tsino, hindi ito ginawa ni BBM, at nagsimula ito sa walang bayag at gulugod na traydor na si Rodrigo Duterte noong administrasyon niya. Dito man lang sana nagkaroon tayo ng seguridad. Sa halip nahaharap ang serial killer na pangulo sa kaso sa ICC at sinusunod ni BBM ang polisiyang iniwan ni Duterte. Pasensya na lumihis ako, balik tayo sa isyu. Ang mga katulad ni Villar, isama na ang pagka-inutil ng pamahalaang Marcos ang naging anay na magpapabagsak sa Pilipinas. Kaya ayan. Saludsod tayo sa tatlo; pagkain naging sa pabahay at sa seguridad sa ating hangganan. Nagawa pa natin nagtanong kung kasalanan natin kung bakit sila naluklok? O kasalanan ng SD cards? Ewan ko sa inyo basta alam ko hindi mo binibigyan ng pwesto sa gobyerno ang unggoy.
May krisis tayo sa tatlong nabanggit, pagkain, seguridad sa ating hangganan at masisilungan. Hindi na uubra ang sinasabi ng mga hibang at kasapakat na huwag makialam at manahimik. Marami sa mga mulat at may pakialam dahil wala na silang makain, walang masilungan at nangangamba sa seguridad ng ating hangganan. Batid ng mga mulat na kasalanan ito lahat ng namumuno. Patuloy na nagtatanong. Tutuldukan ko ito sa pamamagitan ng isang tanong na nanggaling sa beteranang aktres Agot Isidro: “ANO FRENS?… KAYA PA BA…” Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
SA edad na siyam, si Bince Rafael Operiano ay nagkampeon sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship Bangkok, Thailand. Umani si Bince ng puri sa maraming pulitiko. Heto ang pahayag ng ispiker ng Kamara de Representante at pinsan ni BBM Martin Romualdez: “Nakaka-proud maging Pinoy! Congratulations Bince Rafael Operiano. Sa edad mong siyam, ipinakita mo sa buong mundo na wala sa edad ang galing at husay ng mga atletang Pilipino. Mabuhay ka Bince at muli, congratulations!…” Talagang nakaka-proud ang ginawa ni Bince para sa mahihilig sa ahedres. Ito ang tanong ko sa Philippine Chess Federation at pangulo nito si Prospero Pichay Jr: Nakaka-proud ba na tatlong araw natulog sa paliparan ang bata dahil wala siyang budget para sa tirahan habang nasa Thailand? Matatandaan noong Hulyo 2022, ihinalal muli si Pichay bilang pangulo ng NCFP, kahit na nahatulan ng tatlong ulit ng Sandiganbayan sa pandarambong o pangunguwalta o graft. Hinatulan siya na makulong ng 18 hanggang 30 taon at diskwalipikasyon sa pwesto sa pamahalaan. Nakaka-proud di ba?
***
Mga Harbat Sa Lambat:
“Marcos Jr. was surprised to see GMA in the meeting with Xi Jinping in Bangkok?… Wow ha… Anong papel niya?…” -Ajing Abad
“Be afraid to die… Unless you have scored some victory for humanity…” -Neil de Grasse Tyson, astronomo
“VP ‘di mo na need ng sunblock masusunog ka rin sa Impiyerno…” – Sorayah Abdullah
***
mackoyv@gmail.com
The post KABALINTUNAAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: