Facebook

“‘Plan’demic’ naiibang zombie movie

NAIIBANG zombie movie ang ‘Plan’demic ng Domniel International Film Production dahil puno ito ng visual effects.
S idinaos na presscon sa Norzagaray, Bulacan, dumalo ang ilang artista ng ‘Plan’demic gaya nina Ramon Christopher Gutierrez, Rob Sy, Angelica Santiago, Allysa dela Pena at Reynan Dal-Anay kasama ang direktor na si Danny G. Marquez at ang producer na si Dominic Orjalo.
Tsika ni Orjalo, sa kanya anya nanggaling ang kuwento ng ‘Plan’demic dahil nais daw niya ang istoryang naiiba kaysa nakasanayan o nakagawian na.
Sabi nga ni Monching, mahirap daw palang gumawa ng eksena na walang kausap dahil wala siyang ka-interaksyon.
Masaya naman ang mga kabataang sina Angelika, Allysa at Reynan na mapasama sa naiibang klaseng movie na tungkol sa mga zombie.
Ayon naman kay Direk Danny, hindi anya niya napanuod ang movie na Block Z na ukol din sa mga zombie na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Gayundin, iba naman daw ang ‘Plan’demic kaya hindi pwedeng sabihing ginaya ito sa Block Z.
Ang ‘Plan’demic ay magsisimula matapos pumalpak ang plano ng anti-government forces ng isang man-made virus na gagamitin sana para pabagsakin ang administrasyon pero nauwi sa zombie apocalypse ang kanilang masamang balak.
Kaya abangan ang mga pangyayari sa nasabing pelikula na kasalukuyan nang ginagawa ang shooting. Tangkilikin ang paglabas nito sa mga sinehan dahil tiyak na maiibigan ito ng lahat.
Kasama rin sa ‘Plan’demic sina Johan Santos, Martin Venegas, Dino Galido at Ford Valencia.
(Blessie K. Cirera)

The post “‘Plan’demic’ naiibang zombie movie appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“‘Plan’demic’ naiibang zombie movie “‘Plan’demic’ naiibang zombie movie Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.