MISMONG si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang nag-utos na pag-ibayuhin ang pagtatanim ng puno upang labanan ang lumalalang problema sa climate change.
Sinabi ito ni PBBM nang personal na bisitahin ang kalagayan ng mga kababayan sa Magundanao na isa sa labis na naapektuhan ng bagyong Paeng.
Nasa 60-katao ang iniulat na namatay sa naturang probinsiya, labas pa ang pamemerwisyo sa ilang daang pamilya, pagkasira ng milyong pisong ari-arian at mga pananim.
“Noong nasa helicopter kami ni [Maguindanao Governor] Bai Mariam, na-notice ko lahat ng gumuho kalbo ang bundok. That’s the problem,” ani Marcos.
“And I was pointing out to the Governor, sabi ko sa kanya: Tingnan mo ‘yung may kahoy hindi gumalaw ‘yung lupa, lahat nung sugat na makita mo sa bundok dahil kalbo,” ani pa niya.
Sinabi ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na particular na tinamaan ng landslides ang mga Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat; Barangays Romonggaob at Looy sa South Upi; Barangays Maagabo Bayanga Sur, Upper Bayanga Sur Norte and Kabugaw Sapad of Matanog.
“So we have to include tree planting in our flood control. Dapat kasama ‘yan. Kung gagastos tayo sa flood control, kailangan may tree planting,” pagbibigay-diin pa ni PBBM.
Ang tinurang ito ng Pangulong Marcos ay sakto naman sa inilunsad na kampanya ng Maynilad Waterworks Inc. at ng Office of the Press Secretary (OPS) sa pangunguna ng kumpare nating si Undersecretary Marlon B. Purificacion.
Nakita ko kasi sa website ng Philippine News Agency (PNA) na noong Biyernes (Oktubre 28, 2022) ay naging matagumpay ang pagtatanim ng may 400 puno ng narra, dungon, malaruhat at palosapis seedlings sa water shed ng Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Nalaman natin na Taong 2007 pa inilunsad ang napakagandang programang ito ng Maynilad na may target na makapagtanim ng 1 million puno ngayong taong 2022.
Makalipas ang 13-taon ay may 975,000 indigenous trees at mangroves na ang naitanim ng Maynilad mula sa kabuuang 704 ektaryang lupain at kabunkan sa Luzon.
Kasama ni Usec Puri (iyan ang tawag na malalapit na kaibigan ni Pareng Marlon sa kanya) ang mga kapwa opisyal sa OPS na sina veteran newsman, Director for Special Concerns Ben Rosario, Atty. Ansherina Paula Francisco, General Services Division chief Atty. Tara C. Rama at siyempre ang mga masisipag na empleyado ng News and Information Bureau (NIB) ng OPS.
Kaya nang mapanood ko ang pahayag ni PBBM tungkol sa seryosong kampanya sa pagtatanim ng puno, bigla kong nasabi na saktong-sakto ang programa ng Maynilad at OPS kasi wala pa mang ‘categorical’ n autos ang Chief Executive ng bansa, eto’t naka-abante agad ang grupo ni Usec Puri.
Sa column niya sa People’s Tonight, pinasalamatan ni Usec Puri sina Maynilad corporate communications department head Jennifer Rufo; quality, sustainability, resiliency division head Atty. Roel S. Espiritu; sustainability department head John Emmanuel Martinez, public informations officer Madel Zaide, si Atty. Claudine B. Orocio-Isorena, deputy administrator for administration and legal affairs ng MWSS Regulatory Office at siyempre ang buong team ng Maynilad na umagapay sa grupo ng OPS.
“The partnership between Maynilad and the OPS is very significant because we are aiming to plant our one-millionth tree this year. We won’t be able to reach this milestone without the help of volunteers like you,” ani Rufo.
Ayon kay Atty. Claudine Orocio-Isorena, ‘first time’ nilang makatambal ng Maynilad at MWSS ang OPS para sa ganitong uri ng aktibidad.
Natutuwa silang dumarami ang mga ahensiya ng pamahalaan na bukas palad na nagbibigay suporta sa kanilang programa.
Sakaling magbunga at mabuhay ang mga itinatanim na puno (sana maka-1 million na!) aabot sa 25,000 tonelada ng carbon emissions ang tiyak na mababawasan sa ating kapaligiran.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036
The post SAKTO ANG ‘PLANT FOR LIFE’ NG MAYNILAD SA UTOS NI PBBM NA MAGTANIM NG PUNO KONTRA CLIMATE CHANGE! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: