IPINATUTUGIS ngayon ng Bureau of Immigration ang isang lalaking Jordanian na nawala matapos ang court hearing.
Kinilala ang Jordanian na si Tarek Nihad Siam, 47, na nahuli noong 2022 matapos i-turned over ng National Bureau of Investigation (NBI) sa BI.
Siya ay inilagay sa kustodiya matapos naaresto dahil sa gun possession at physical injuries.
Base sa impormasyon na natanggap ng BI mula sa Interpol NCB Manila, lumalabas na si Siam ay wanted sa Abu Dhabi dahil sa kasong assault at alcohol abuse.
Sa paliwanag na isinumite ng escorts ni Siam, sinasabing ito ay dinala sa Regional Trial Court Branch 237 sa Makati City noong January 16 kung saan ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition.
Natapos ang hearing dakong tanghali at nang papalabas na ng korte ay hiniling ni Siam na siya ay gagamit ng palikuran. Pinayagan naman siya habang nakabantay ang mga ahente ng BI sa pintuan ng palikuran.
Nagtaka ang mga ahente ng BI kung bakit natatagalan si Siam, kung kaya napilitan silang pwersahin ang pintuan ng palikuran at doon nila natuklasan na nawawala na si Siam at tumakas gamit ang maliit na bintana sa restroom. Ang nasabing ulat ng mga escorts ni Siam ay iniimbestigahan na kung totoo.
Isang manhunt ang agad na ipinag-utos ni BI Commissioner Norman Tansingco at binigyang direktiba ang tracker na hanapin at arestuhin si Siam.
Sinabi ng BI na nakikipagtulungan na sa kanila ang mga local authorities na nangakong hahanapin din ang nasabing Jordanian.
Ang dalawang job order personnel na nagbabantay kay Siam ay tinanggal na sa serbisyo, habang ang team leader na empleyado ng BI ay nahaharap sa reklamo dahil sa insidente.
Sinabi pa ni Tansingco na inutos niya rin ang pagsasampa ng criminal charges laban sa tatlong empleyado dahil sa infidelity of custody of the PDL.
Nagbabala din siya na sinuman ang mahuhuling tumutulong kay Siam ay mahaharap sa kasong paglabag sa Philippine immigration law by harboring an illegal alien.
Sinabi ng BI na anumang impormasyon kung saan makikita ang dayuhan ay maaaring ipagbigay alam sa Commissioner’s Hotline gamit ang messenger at facebook.com/immigration.helpline.ph. #ASCd36exC6teg%40mail.gmail.com. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)
The post Active manhunt kontra Jordanian, ipinag-utos ng BI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: