Facebook

HALOS 6,000 POSITIONS SA PAMAHALAAN ‘DI PA RIN NAPUPUNAN

ANG kahalagahan ng maayos at mabilis na paglalagay ng mga tamang tao sa mga tamang puwesto sa gobyerno ay hindi maitatatwa.

Ngunit, sa kasalukuyang sitwasyon, tila ba nagiging hamon ang paglalagay ng halos 6,000 na mga posisyon sa loob ng pamahalaan.

Sinasabing sa huling tala, wala pang kalahati ng mga ito ang napupunan.

Ibig sabihin, ang mga nakaupo ay palitin na o nasa holdover capacity, na nagdudulot ng hindi pagkakaroon ng sapat na implementasyon at operasyon sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan.

Ang isa pang isyu na nais bigyang-diin ay ang mabagal daw na proseso ng Malacañang sa paglalagay ng mga tao.

Kung hindi ako nagkakamali, halos 600 araw na mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong June 30, 2022.

Napakabagal daw ng proseso at tila nakatambak lang ang mga papel sa Presidential Management Staff (PMS).

Ang PMS, sa ngayon, ay pinamumunuan ni Senior Underscretary Atty. Elaine Masukat, na pansamantalang umuupo matapos magbitiw sa puwesto ang dating pinuno ng ahensya na si Zenaida Angping noong December 2, 2022.

Nakadaragdag sa alalahanin ang naging insidente kung saan isang customs collector daw ang naitalaga sa isang posisyon, ngunit natuklasan na ang dami raw palang sablay ng customs official.

Sa kabutihang palad, naagapan at nabawi naman daw ang appointment.

Aba’y sa totoo lang, ang malupit na pangangailangan na punan ang mga posisyon ay nagdudulot ng pagkasayang ng oras at pondo ng ating gobyerno.

Sa gitna ng seryosong isyu na ito, mahalaga rin na siguruhing ang mga itatalagang opisyal ay may angkop na kasanayan at kakayahan para sa kanilang mga responsibilidad.

Dapat nating suriin at pagtuunan ng pansin ang mga usaping ito upang matiyak ang maayos na pamamahala ng bansa.

Ang mabagal na proseso ng paglalagay ng mga tao sa posisyon ay hindi lamang nagdudulot ng kawalan ng epekto sa mga proyekto at programa, kundi nagiging sagabal din ito sa mas mataas na layunin ng pamahalaan ni Pangulong Marcos na magtagumpay sa pagpapatakbo ng bansa.

***

Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.

The post HALOS 6,000 POSITIONS SA PAMAHALAAN ‘DI PA RIN NAPUPUNAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HALOS 6,000 POSITIONS SA PAMAHALAAN ‘DI PA RIN NAPUPUNAN HALOS 6,000 POSITIONS SA PAMAHALAAN ‘DI PA RIN NAPUPUNAN Reviewed by misfitgympal on Enero 18, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.