Hindi talaga nagkamali si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa pagkakatalaga kay Erwin Tulfo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nang tumama sa bansa ang bagyong “Paeng,” pinatunayan ni Sec. Erwin na seryoso at puno ng dedikasyon ang kanyang paglilingkod, dahil bukod sa tila hindi na ata ito natulog para maagapan ng tulong ang mga inaasahang maapektuhan ng bagyo, agaran din nitong kinansela ang mga nakatakdang day off at leave ng mga kawani ng DSWD, bago pa man tumama ang bagyo sa bansa.
Ayon kay Sec. Erwin, siya ay nagdesisyong kanselahin ang day off at leave ng mga empleyado dahil naka-red alert sila. Kailangan umano ang buong puwersa para rumesponde sa mga nangangailangan.
Matigas na tinuran ni Sec. Erwin na ultimo siya ay nagkansela ng mga plano para sa long weekend. Siyempre pa, kung gaano siya ka-dedicated ay ganun din naman ang kanyang mga kinuhang Undersecretary na si Jerico Javier at Asisstant Secretary na si Rommel Lopez. Gusto umano ni Sec. Erwin na ‘all hands on deck’ o dapat ay naroon lahat ng tauhan upang lahat ay tumulong sa abot ng kanilang kakayanan.
Nairita ata ang kalihim nang malaman na isa sa mga opisyal ng ahensya ay wala sa pagpupulong na ipinatawag niya kaugnay ng “Paeng”.
“Pati dayoff ika-cancel to make sure everybody was ready. Kailangan ng pagde-deliver ng mga relief so ‘yung mga naka-leave, ni-relieve ko muna mga leaves nila,” aniya.
Ayaw umano ng Kalihim na may mangyayari sa area of responsibility ng isang opisyal at tapos ay wala sila duon. Kapag ganyan, wala umano siyang magagawa kundi i-relieve ang naturang opisyal.
Muling tiniyak ni Sec. Erwin sa publiko na handa ang kagawaran na tugunan ang pangangailangan ng mga residenteng maaapektuhan ng bagyo at ang kahandaan ng kanyang departamento na agarang maiabot ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Aniya, umaabot sa 25,000 food packs ang kayang maipamahagi ng kanilang operations center kada araw.
Pagdating sa pondo, wala naman umanong problema dahil may perang mahuhugot tulad nung sa Assistance to Individulas in Crisis Situation.
“From now on under my watch, ‘pag may incoming typhoon, calamity you make sure that all hands on deck. Ang ibig kong sabihin kung may leave ka i-cancel mo muna dahil ako secretary may leave ako kinansel ko. This is not a joke,” ani Sec. Erwin.
“I just want to remind all the regional directors lalo na po itong dadaanan ng bagyo Region 3, NCR, Region 4, 4A, 5, 6, 7, 12 cancel po ang inyong mga bakasyon kung may bakasyon kayo,” dagdag pa nito nang pulungin ang kanyang mga tauhan bago dumating ang bagyo.
“Ayoko mangyari ‘yung mga previous years na mga tao naglalakad-lakad d’yan wala kami makain ilang araw. I don’t want that to happen in this administration, not under my watch,” aniya pa.
Tunay na serbisyong may puso ang dala ni Sec. Erwin sa gobyerno at sa mga nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan. Saludo ako sa grupo ng DSWD!
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.
The post DSWD SEC. ERWIN, USEC JERICO AT ASEC ROMMEL, DEDICATED SA TRABAHO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: